عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الْخُدْرِيِّ رَضيَ اللهُ عنهُ أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«يَا أَبَا سَعِيدٍ، مَنْ رَضِيَ بِاللهِ رَبًّا، وَبِالْإِسْلَامِ دِينًا، وَبِمُحَمَّدٍ نَبِيًّا، وَجَبَتْ لَهُ الْجَنَّةُ»، فَعَجِبَ لَهَا أَبُو سَعِيدٍ، فَقَالَ: أَعِدْهَا عَلَيَّ يَا رَسُولَ اللهِ، فَفَعَلَ، ثُمَّ قَالَ: «وَأُخْرَى يُرْفَعُ بِهَا الْعَبْدُ مِائَةَ دَرَجَةٍ فِي الْجَنَّةِ، مَا بَيْنَ كُلِّ دَرَجَتَيْنِ كَمَا بَيْنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ»، قَالَ: وَمَا هِيَ يَا رَسُولَ اللهِ؟ قَالَ: «الْجِهَادُ فِي سَبِيلِ اللهِ، الْجِهَادُ فِي سَبِيلِ اللهِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1884]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"O Abū Sa`īd, ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta, nagindapat para sa kanya ang Paraiso." Kaya nagtaka rito si Abū Sa`īd saka nagsabi ito: "Ulitin mo po iyan sa akin, O Sugo ni Allāh." Kaya ginawa niya, pagkatapos nagsabi siya: "May iba pang iaangat sa pamamagitan nito ang tao ng isandaang antas sa Paraiso, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa." Nagsabi ito: "Ano po ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, ang pakikibaka sa landas ni Allāh."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1884]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh dito) na ang sinumang sumampalataya kay Allāh at nalulugod sa Kanya bilang Panginoon, bilang Diyos, bilang Tagapagmay-ari, bilang Pinapanginoon, at bilang Tagautos; sa Islām bilang Relihiyon dala ng pagpapaakay at pagpapasailalim sa lahat ng mga ipinag-uutos nito at mga sinasaway nito; at kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang Propeta kalakip ng bawat ipinasugo sa kanya at ipinaabot niya, pinagtibay para sa kanya ang Paraiso. Kaya nagtaka rito si Abū Sa`īd saka nagsabi ito: "Ulitin mo po iyan sa akin, O Sugo ni Allāh." Kaya ginawa niya, pagkatapos nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mayroon akong iba pang kakanyahang iaangat ni Allāh sa pamamagitan nito ang tao ng isandaang antas sa Paraiso, na ang pagitan ng bawat " ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa." Nagsabi si Abū Sa`īd: "Ano po ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, ang pakikibaka sa landas ni Allāh."