Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Sinuman ang magsaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Siya ay Nag-iisa at walang katambal sa Kanya,at katotohanan na si Muhammad ay Propeta at Sugo Niya,at Katotohanang si 'Esah ay propeta ng Allah at Sugo Niya at Ang Salita Niya ay iginawad Niya kay Maryam at ang isang espirito nito (na kanyang nilikha),At ang Paraiso ay totoo,At ang Impiyerno ay totoo,Papapasukin siya ni Allah sa Paraiso, dahil sa mga gawain nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Impiyerno."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang maggagarantiya sa akin [na mag-ingat] ng nasa pagitan ng bigote at balbas niya at ng nasa pagitan ng mga hita niya, maggagarantiya ako sa kanya ng Paraiso."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Paraiso ay higit na malapit sa [bawat] isa sa inyo kaysa sa panali ng sandalyas niya at ang Impiyerno ay tulad niyon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tinabingan ang Impiyerno ng mga pinipithaya at tinabingan ang Paraiso ng mga kinasusuklaman."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Maghahatid sa isang lalaki sa Araw ng Pagbangon saka itatapon ito sa Impiyerno saka makalalabas ang mga bituka ng tiyan niya saka iikot siya kasabay ng mga ito kung paanong umiikot ang asno sa giikan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ito ay isang batong itinapon sa Impiyerno magmula ng pitumpung taon. Ito ay lumalagpak sa Impiyerno ngayon hanggang sa nagwakas ito sa kalaliman niyon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na sa Paraiso ay may isandaang antas na inihanda ni Allah para sa mga nakikibaka sa landas Niya, na ang pagitan ng dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit at lupa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang gumugol sa dalawang asawa sa landas ni Allāh ay ipananawagan mula sa mga pinto ng Paraiso: O Lingkod ni Allāh, ito ay mabuti. Ang sinumang kabilang sa mga alagad ng pagdarasal ay tatawagin mula sa pinto ng pagdarasal. Ang sinumang alagad ng pakikibaka ay tatawagin mula sa pinto ng pakikibaka.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas mula sa isang apoy, na kukulo dahil sa dalawang ito ang utak niya kung paanong kumukulo ang kaldero. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi kaysa sa kanya sa pagdurusa samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ko ba ipababatid sa inyo kung sino ang ipinagkait sa Impiyerno, o kanino ipinagkait ang Impiyerno? Ipinagbawal ito sa bawat malalapitan, mahinahon, banayad, madaling [pakisamahan].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kabilang sa kanila ang linalamon ng apoy hanggang sa kanyang bukong-bukong,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang dalawang tuhod,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang balakang,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang balagat
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dadalhin ang Impiyerno sa araw na iyon nang may pitumpong libong harnes na sa bawat harnes ay may pitumpong libong anghel na kumakaladkad sa mga ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ilalagay ang landasin sa pagitan ng dalawang pampang ng Impiyerno, na mayroong mga tinik gaya ng tinik ng [halamang] Sa`dān. Pagkatapos ay patatawirin ang mga tao, kaya may maliligtas, masasagip, matatalupan pagkatapos ay maliligtas, mapipigilan at saka matitiwarik doon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag napasok na ang mananahanan sa Paraiso, sa Paraiso;Mananawagan ang isang tagapanawagan:Katotohanang sa inyo na kayo ay mabubuhay,at hindi na kayo mamamatay magpakailanman,Katotohanang sa inyo na kayo ay [magkakamit ng] magandang pangangatawan,at hindi na kayo magkakasakit magpakailanman,Katotohanang sa inyo na kayo ay magiging binata,at hindi na kayo tatanda magpakailanman,Katotohanang sa inyo na kayo ay [magkakamit ng walang hanggang] kaligayahan,at hindi na kayo maghihirap magpakailanman,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya magsasabi sila: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag pumasok na sa Paraiso ang mananahanan sa Paraiso,Sasabihin ni Allah-mapagpala siya pagkataa-taas-: Gusto niyo pa ba ng ibang bagay na idadagdag ko sa inyo? Sasabihin nila: Hindi ba`t ginawa Mong maliwanag ang among mga mukha?Hindi ba`t pinapasok Mo kami sa Paraiso at iniligatas mula sa Impiyerno?Tatanggalin ang harang,at hindi pa naipagkaloob sa kanila ang bagay na higit na kaibig-ibig sa kanila mula sa pagtingin sa Panginoon nila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga mananampalataya sa Paraiso ay mayroon silang Tolda na yari sa isang perlas,bakante at walang laman,at ang taas nito sa kalangitan ay animnapong milya,Sa mga mananampalataya rito ay mayroong mga asawa,umiikot sa kanila ang mananampalataya at hind nila nakikita ang bawat isa sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga naninirahan sa Paraiso ay talagang makakikita sa mga naninirahan sa mataas na tirahan sa ibabaw nila gaya ng pagkakita nila sa maningning na tala na nagdaraan sa abot-tanaw ng silangan o kanluran dahil sa pagkakalamangan sa pagitan nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May dalawang uri ng mga maninirahan sa Impiyerno, na hindi ko nakita: mga taong mayroong mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka, na ipinamamalo nila sa mga tao; at mga babaing nakadamit na nakahubad, na mga nagpapakiling [sa pagkakasuklay], na mga kumikiling, na ang mga ulo nila ay gaya ng mga nakakiling na mga umbok ng mga kamelyong Bukht. Hindi sila papasok sa Paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O katipunan ng mga babae, magkawanggawa kayo sapagkat tunay na ako ay pinakitaang kayo ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno." Kaya nagsabi sila: "At dahil sa ano po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Nagpaparami kayo ng pagsumpa at nagkakaila kayo sa utang na loob sa mga asawa. Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapag-alis ng isip ng lalaking naghuhunos-dili kaysa sa isa sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na nalalaman ko ang pinakahuli sa mga nananahanan sa Impiyerno na lalabas mula rito,at ang pinakahuling mananahanan sa Paraiso na papasok sa Paraiso.Isang lalaki na lalabas sa Impiyerno na gumagapang,At sasabihin ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-sa kanya:Humayo ka at pumasok ka sa Paraiso,Darating siya rito,Aakalain niya rito na ito ay napuno na,At babalik siya:Sasabihin niya: O Panginoon,natagpuan ko itong puno na!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang apoy ninyo ay isang bahagi mula sa pitumpung bahagi ng apoy ng Impiyerno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagtalo ang Paraiso at ang Impiyerno. Nagsabi ang Impiyerno: "Nasa akin ang mga palalo at ang mapagmalaki." Nagsabi ang Paraiso: "Nasa akin ang mga mahina sa mga tao at ang mga dukha nila."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tumayo ako sa pintuan ng Paraiso, ang karamihan pala ng papasok doon ay mga dukha at ang mga may kaya ay mga maaantala
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung sakaling nalalaman ng mananampalataya ang nasa kay Allah na kaparusahan, walang mag-aasam ng Paraiso Niya ni isa man. Kung sakaling nalalaman ng tumatangging sumampalataya ang nasa kay Allah na awa, walang mawawalan ng pag-asa sa Paraiso Niya ni isa man.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang nalulugod o nasisiyahan sa Allah bilang isang diyos, at sa Islam bilang relihiyon, at kay Muhammad bilang sugo, ay nararapat na sa kanya ang paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bibigyan ang pinaka-mapalad na tao sa mundo na kabilang sa mga taga-impyerno sa Araw ng Pagkabuhay, at ilulubog siya sa impyerno ng paglubog, at saka sasabihan: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng kabutihan? dumaan na ba sa iyo ang lubos na kaligayahan? at ang sabi: Hindi sumpa man sa Allah o Diyos ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno at hindi ako nakakita ng gaya ng araw [na iyon] sa kabutihan at kasamaan. Kung sakaling nalalaman ninyo ang nalalaman ko, talagang tatawa kayo sana nang madalang at talagang iiyak kayo sana nang madalas.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Oxus, ang Jaxartes, ang Yufrates, at ang Nilo ay lahat mula sa mga ilog ng Paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagbangayan ang Paraiso at ang Impiyerno kaya nagsabi ang Impiyerno: "Inilaan ako para sa mga nagmamalaki at nagpapakapalalo." Nagsabi ang Paraiso: "Ano ang nangyari sa akin: walang pumapasok sa akin kundi ang mahihina sa mga tao, ang mga hamak sa kanila, at ang mga masa sa kanila."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May dalawang harding yari sa pilak ang mga sisidlan ng dalawang ito at ang anumang nasa dalawang ito. May dalawang harding yari sa ginto ang mga sisidlan ng dalawang ito at ang anumang nasa dalawang ito. Walang nasa pagitan ng mga tao at pagtingin nila sa Panginoon nila malibang ang balabal ng kadakilaan sa mukha Niya sa Paraiso ng Eden.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pinakamababang kalagayan ng isa sa inyo sa Paraiso ay na magsasabi [si Allah] sa kanya: Magmithi ka! Kaya magmimithi siya. Magmimithi siya at magsasabi sa kanya: Nagmithi ka ba? Kaya magsasabi siya: Opo. Kaya sasabihin sa kanya: Tunay na ukol sa iyo ang minithi at ang tulad nito kasama nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na sa Paraiso ay may isang punong-kahoy na makapaglalakbay ang sumasakay sa kabayong mahusay na mabilis ng isandaang taon nang hindi natatawid ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na sa Paraiso ay may isang tagpuan na pinupuntahan nila tuwing Biyernes.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinumang Muslim na namatayan ng tatlong anak na hindi pa tumuntong sa ganap na gulang, papapasukin ito ni Allah sa Paraiso dahil sa kalamangan ng awa Niya sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi si Allah-pagkataas-taas Niya: Inihanda ko sa matutuwid kong alipin ang hindi kailanman nakita ng mata,at hindi kailanman narinig ng tainga,at ni hindi kailanman dumaan sa puso ng tao.At basahin ninyo kung gustuhin ninyo ang : { At walang kaluluwa ang nakakaalam kung ano ang kaginhawahan ng mga mata na inilingid sa kanila,bilang gantimpala sa [mabubuti] nilang ginagawa}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nangyari ang Araw ng Pagkabuhay, magtutulak si Allāh sa bawat Muslim ng isang Hudyo o isang Kristiyano at magsasabi Siya: Ito ay ang pangkalas mo mula sa Impiyerno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi bat tunay na ang Panginoon ko ay nag-utos sa akin na ituro ko sa inyo ang anumang hindi ninyo nalalaman,at mula sa mga itinuro niya sa akin sa araw na ito; Ang lahat ng yaman na na ipinagkaloob ko sa isang alipin ay ipinapahintulot,At katotohanang nilikha ko ang mga lingkod ko na mga Muslim silang lahat.At tunay,na sa kanila ay dumating ang mga Satanas,at niligaw nila ito sa kanilang Relihiyon,at ipinagbawal nito ang mga bagay na ipinahintulot ko sa kanila,at ipinag -utos nito sa kanila na tumambal sa pagsamba sa akin,sa mga bagay na hindi Ko ipinapanaog rito ang katibayan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang pinangalagaan ni Allah laban sa kasamaan ng nasa pagitan ng bigote at balbas niya at sa kasamaan ng nasa pagitan ng dalawang hita niya, papasok siya sa Paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagtalo ang Paraiso at ang Impiyerno. Nagsabi ang Paraiso: "Papasok sa akin ang mga mahina at ang mga dukha." Nagsabi ang Impiyerno: "Papasok sa akin ang mga mapaniil at ang mga nagmamalaki." Nagsabi Siya sa Impiyerno: "Ikaw ay ang parusa Ko; maghihiganti Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko." Nagsabi Siya sa Paraiso: "Ikaw ay ang awa Ko; maaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumpa! na ang sarili ni Muhammad ay nasa kamay Niya, katotohanan ako'y nag-hahangad na kayo ay kabilang o maging kalahati ng mga taong taga paraiso, yun ay dahil ang paraiso ay walang pwedeng makakapasok sa kanya kundi ang kaluluwang muslim.At wala kayo sa mga taong nagtatambal, maliban sa katulad ng buhok na puti sa balat ng toro na itim.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga maninirahan sa Paraiso ay talagang makatatanaw sa mga mataas na tahanan sa Paraiso gaya ng pagkatanaw ninyo sa mga tala sa langit.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu