عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ:
كُنَّا مَعَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، إِذْ سَمِعَ وَجْبَةً، فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «تَدْرُونَ مَا هَذَا؟» قَالَ: قُلْنَا: اللهُ وَرَسُولُهُ أَعْلَمُ، قَالَ: «هَذَا حَجَرٌ رُمِيَ بِهِ فِي النَّارِ مُنْذُ سَبْعِينَ خَرِيفًا، فَهُوَ يَهْوِي فِي النَّارِ الْآنَ حَتَّى انْتَهَى إِلَى قَعْرِهَا».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2844]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Kami noon ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nakarinig siya ng isang lagapak. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakaaalam ba kayo kung ano ito?" Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi siya: "Ito ay isang batong itinapon sa Impiyerno magmula ng pitumpung taon. Ito ay lumalagpak sa Impiyerno ngayon hanggang sa nagwakas ito sa kalaliman niyon."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2844]
Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang tunog na nakaliligalig gaya ng pagbagsak ng isang katawan. Nagtanong siya sa kapiling niya kabilang sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) tungkol sa tunog na iyon, kaya nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam."
Nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang tunog na ito na narinig ninyo ay talagang isang batong itinapon mula sa gilid ng Impiyerno magmula ng pitumpung taon saka ito ay lumalagapak at bumabagsak doon, hanggang sa nagwakas ito sa kailaliman niyon ngayon nang narinig ninyo ang tunog."