عن سلمة بن الأكوع رضي الله عنه : أن رجلا أكَلَ عند رسول الله صلى الله عليه وسلم بشماله، فقال: «كُلْ بيمينك» قال: لا أستطيع. قال: «لا استطَعْتَ» ما مَنَعَهُ إلا الكِبْر فما رَفَعَهَا إلى فِيهِ.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Salamah bin Al-Akwa`, malugod si Allāh sa kanya: May isang lalaking kumain sa piling ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, gamit ang kaliwa niya kaya nagsabi siya: "Kumain ka gamit ang kanan mo." Nagsabi ito: "Hindi ko po nakakaya." Nagsasabi siya: "Hindi mo nawa makaya!" Walang pumigil sa kanya kundi ang pagmamalaki kaya hindi niya naangat ito sa bibig niya.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Kumain ang isang lalaki sa piling ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, gamit ang kaliwang kamay nito bilang pagmamalaki. Nagsabi rito ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kumain ka gamit ang kanan mo." Nagsabi ito dala ng pagmamatigas: "Hindi ko po nakakaya." Siya ay hindi nagsasabi ng totoo kaugnay rito kaya dumalangin ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa sabi niyang: "Hindi mo nawa makaya!" Kaya hindi nito nakayang iangat ang kamay niya sa bibig niya. Iyon ay dahil sa dinapuan ito ng pagkaparalisa dahil sa panalangin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa pagmamalaki niya at pagtanggi niya sa utos ng Propeta.