عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ دَعَا إِلَى هُدًى كَانَ لَهُ مِنَ الْأَجْرِ مِثْلُ أُجُورِ مَنْ تَبِعَهُ، لَا يَنْقُصُ ذَلِكَ مِنْ أُجُورِهِمْ شَيْئًا، وَمَنْ دَعَا إِلَى ضَلَالَةٍ كَانَ عَلَيْهِ مِنَ الْإِثْمِ مِثْلُ آثَامِ مَنْ تَبِعَهُ، لَا يَنْقُصُ ذَلِكَ مِنْ آثَامِهِمْ شَيْئًا».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2674]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang patnubay, magiging ukol sa kanya mula sa pabuya ang tulad ng mga pabuya ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga pabuya nila. Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang kaligawan, magiging laban sa kanya mula sa kasalanan ang tulad ng mga kasalanan ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga kasalanan nila."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2674]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang gumabay, nagturo, at nag-udyok sa mga tao sa isang daan na may katotohanan at kabutihan sa pamamagitan ng pagsabi o paggawa, magiging ukol sa kanya ang tulad ng pabuya sa sinumang sumunod sa kanya nang hindi nakabawas iyon ng anuman mula sa pabuya sa tagasunod. At ang sinumang gumabay at nagturo sa mga tao tungo sa isang daan ng kabulaanan at kasamaan na may pagkakasala at kamalian o utos na hindi napahihintulutan sa pamamagitan ng pagsabi o paggawa, magiging laban sa kanya ang tulad ng pabigat at kasalanan ng sinumang sumunod sa kanya nang hindi nakabawas iyon ng anuman mula sa mga kasalanan nila.