+ -

عن جرير بن عبد الله رضي الله عنه قال: كُنَّا في صَدرِ النَّهَار عِند رسول الله صلى الله عليه وسلم فَجَاءه قَومٌ عُرَاةٌ مُجْتَابِي النِّمَار أَو العَبَاءِ، مُتَقَلِّدِي السُّيُوف، عَامَّتُهُم مِن مُضَر بَل كُلُّهُم مِن مُضَر، فَتَمَعَّر رسول الله صلى الله عليه وسلم لِمَا رَأَى بِهِم مِنَ الفَاقَة، فدَخَل ثُمَّ خَرج، فأَمَر بِلاَلاً فَأَذَّن وَأَقَام، فَصَلَّى ثُمَّ خَطَب، فقال: «(يا أيها الناس اتقوا ربكم الذي خلقكم من نفس واحدة) إلى آخر (إن الله كان عليكم رقيبًا) ، والآية الأخرى التي في آخر الحشر: (يا أيها الذين آمنوا اتقوا الله ولتنظر نفس ما قدمت لغد) تَصَدَّق رَجُلٌ مِن دِينَارِهِ، مِن دِرهَمِهِ، مِن ثَوبِهِ، مِن صَاعِ بُرِّهِ، مِنْ صَاعِ تَمرِهِ -حتَّى قال- وَلَو بِشِقِّ تَمرَة» فَجَاء رَجُلٌ مِنَ الأَنصَار بِصُرَّةٍ كَادَت كَفُّهُ تَعجَزُ عَنْهَا، بل قَد عَجَزَت، ثُمَّ تَتَابَع النَّاسُ حَتَّى رَأَيتُ كَومَين مِن طَعَامٍ وَثِيَابٍ، حَتَّى رَأَيتُ وَجهَ رَسُول الله صلى الله عليه وسلم يَتَهَلَّلُ كَأَنَّه مُذْهَبَة.ٌ فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «مَنْ سَنَّ فِي الإِسلاَم سُنَّةً حَسَنَةً فَلَهُ أَجْرُهَا، وَأَجْرُ مَنْ عَمِلَ بِهَا بَعْدَهُ، مِنْ غَيرِ أَنْ يَنْقُصَ مِن أُجُورِهِم شَيءٌ، وَمَنْ سَنَّ فِي الإِسلاَم سُنَّةً سَيِّئَةً كَانَ عَلَيه وِزْرُهَا، وَوِزرُ مَنْ عَمِلَ بِهَا مِنْ بعدِه، من غير أن ينقُص مِن أَوزَارِهَم شيء».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Jarir bin `Abdullah-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:Kami ay nasa kalagitnaan ng araw kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumating sa kanya ang grupo ng taong nakahubad tanging ang suot lamang ay damit na yari sa sinulid na lana, o Balabal,Nakasabit sa leeg ang espada,Karamihan sa kanila ay mula sa Tribo ng Mudhar,datapuwat lahat sila ay mula sa Tribo ng Mudhar,Nag-iba ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa nakita niya sa kanila mula sa [kanilang] matinding pangangailangan.Pumasok siya pagkatapos ay lumabas,Inutusan niya si Bilal,Tumawag ng Azan at Tumindig [sa pagdarasal],Nagdasal siya pagkatapos ay nagsermon,Nagsabi siya:(( O Sangkatauhan! Pangambahan ninyo ang inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao[Adam],at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang Asawa [Hawa],At mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae;At panagambahan ninyo si Allah, na sa pamamagitan Niya,[Sa kanyang mga pangalan] ay humuhiling kayo sa isa`t-isa,At [Huwag ninyong putulin ang kaugnayan] ng mga sinapupunan [na nagluwal sa inyo] sapagkat katiyakang si Allah ay Lalagi nang Ganap na nagmamasid sa inyo.)) [An-Nisa:1] At ang ibang Talata na huling kabanata ng Al-Hashr:(( O Kayong sumasampalataya! Pangambahan ninyo si Allah,At hayaan ang bawat kaluluwa ay humanap kung ano ang inilaan nito sa kinabukasan)) [Al-Hashr:18],Nagkawang-gawa ang isang lalaki mula sa Dinar niya,mula sa Dirham niya,mula sa damit niya,mula sa timbang ng Trigo niya,mula sa timbang ng Tamr niya- Hanggang sa sinabi niya-Kahit sa kalahati ng isang Tamr)) Dumating ang isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar na may dalang tungkos na halos hindi na makayanan ng balikat niya,datapuwat ay hindi niya ito nakayanan,Pagkatapos ay sumunod ang mga tao hanggang sa nakita ko ang dalawang naibunton mula sa pagkain at mga damit,Hanggang sa nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na lumiliwanag na tulad ng ginto [dahil sa saya].Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Sinuman ang bumuhay sa Islam sa mabuting Sunnah [Ng Propeta],mapapasakanya ang gantimpala,At ang gantimpala ng sinumang nagsagawa nito pagkatapos niya,Na hindi naibabawas sa mga gantimpala nila kahit na isang bagay lang,At Sinuman ang bumuhay sa Islam sa masamang Sunnah,mapapasakanya ang kasalanan,At ang kasalanan ng sinumang nagsagawa nito pagkatapos niya,Na hindi naibabawas sa mga kasalanan nila kahit na isang bagay lang,))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Nabanggit ng may Akda-Kaawaan siya ni Allah- Sa kabanata ng "Sinuman ang magsabuhay sa Islam ng mabuting Sunnah [Ng Propeta],mapapasakanya ang gantimpala,At ang gantimpala ng sinumang nagsagawa nito" Hadith ni Jarir bin `Abdullah Al-Bajliy-malugod si Allah sa kanya-at ito ay napakadakilang Hadith-ipinapahayag rito ang pagsusumikap ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang pagiging maawain niya sa kanyang Ummah-Sumakanya ang pagpapala ni Allah at ang Pangangalaga ay mapasakanya-Habang kasama nila ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa unang bahagi ng Umaga,Dumating ang grupo ng mga tao at ang karamihan sa kanila ay mula sa tribo ng Mudhar o halos lahat sila ay nagmula sa tribo ng Mudhar ang suot lamang ay damit na yari sa sinulid na lana.Nakasabit sa leeg ang Espada,Malugod si Allah sa kanila,Ibig sabihin ang mga tao ay wala sa kanila ang anumang bagay maliban sa naging suot niya,na napili niya, tinatakpan niya rito ang maselang bahagi ng katawan niya,at nakasabit ito sa leeg niya,at dala-dala nila ang kanilang mga espada,bilang paghahanda sa anumang ipag-uutos sa kanila sa pakikibaka sa landas ni Allah-malugod si Allah sa kanila.Nag-iba ang mukha ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naging makulay dahil sa nakita niya sa kanila mula sa pangangailangan,at sila ay mula sa tribo ng Mudhar,Mula sa dakilang tribo ng mga Arabo,At humantong ang pangangailangan nila sa kalagayang ito,Pagkatapos ay pumasok siya sa bahay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos au lumabas siya,Pagkatapos ay inutusan niya si Bilal,at tumawag siya ng Azan,Pagkatapos ay nagdasal siya,pagkatapos ay Nagsermon sa mga tao-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-.Pinuri niya si Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tulad ng nakaugalian niya-;Pagkatapos ay binasa niya ang sinabi ni Allah-pagkataas-taas Niya;(( O Sangkatauhan! Pangambahan ninyo ang inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao[Adam],at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang Asawa [Hawa],At mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae;At pangambahan ninyo si Allah, na sa pamamagitan Niya,[Sa kanyang mga pangalan] ay humuhiling kayo sa isa`t-isa,At [Huwag ninyong putulin ang kaugnayan] ng mga sinapupunan [na nagluwal sa inyo] sapagkat katiyakang si Allah ay Lalagi nang Ganap na nagmamasid sa inyo.)) [An-Nisa:1] At ang sinabi Niya-Pagkataas-taas Niya:(( O Kayong sumasampalataya! Pangambahan ninyo si Allah,At hayaan ang bawat kaluluwa ay humanap kung ano ang inilaan nito sa kinabukasan)) [Al-Hashr:18].Pagkatapos ay Naghimok siya sa [kainaman] ng Pagkawang-gawa,Nagsabi siya:Nagkawang-gawa ang isang lalaki mula sa Dinar niya,mula sa Dirham niya,mula sa damit niya,mula sa timbang ng Trigo niya,mula sa timbang ng Tamr niya- Hanggang sa sinabi niya-Kahit sa kalahati ng isang Tamr) At ang mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-ang pinakamasigasig sa mga tao sa paggawa ng Kabutihan,at ang pinakamabilis sa kanila,at ang pinakamatindi sa kanila sa pakikipag-paligsahan,Lumabas sila sa mga tahanan nila,dumating sila [na may dala-dalang] mga kawang-gawa,Hanggang sa Dumating ang isang lalaki mula na may dalang tungkos sa kamay niya, halos hindi na makayanan ng kamay niya ang pagbubuhat nito,datapuwat ay hindi niya ito nakayanan dahil sa [nilalaman nitong] mga pilak,pagkatapos ay inilagay niya ito sa harapan ng Sugo ni Allah-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga.Pagkatapos ay nakita ni Jarir ang dalawang naibunton na pagkain at mga damit at ang iba pa naipon sa loob ng Masjid,Nag-iba ang mukha ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos nito mag-iba na lumiliwanag na tulad ng ginto,dahil sa sobrang pagnining-ning at pagkislap at saya niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-dahil sa nagyaring ito na pakikipag-paligsahan,na kung saan ay napapaloob rito ang pagbigay sa pangangailangan ng mga dukha,Pagkatapos ay nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:(Sinuman ang bumuhay sa Islam sa mabuting Sunnah [Ng Propeta],mapapasakanya ang gantimpala,At ang gantimpala ng sinumang nagsagawa nito pagkatapos niya,Na hindi naibabawas sa mga gantimpala nila kahit na isang bagay lang,At Sinuman ang bumuhay sa Islam sa masamang Sunnah,mapapasakanya ang kasalanan,At ang kasalanan ng sinumang nagsagawa nito pagkatapos niya,Na hindi naibabawas sa mga kasalanan nila kahit na isang bagay lang)At ang tinutukoy nito sa Sunnah sa pagsabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: (Sinuman ang bumuhay sa Islam sa mabuting Sunnah [Ng Propeta]) Pagsisimula sa gawain sa Sunnah ng Propeta,At hindi ang mga panibagong [gawain],Sapagkat sinuman ang gumawa ng panibago sa Islam na hindi kabilang sa kanyang katuruan,ito ay tinatanggihan at [kabilang sa ]hindi mabuting [gawain].Ngunit ang tinutukoy sa sinumang Bumuhay ibig sabihin ay : Siya ang naging pinaka-unang gumawa nito,Katulad ng isang lalaking dumating na may daladalang Tungkos-malugod si Allah sa kanya-Nangangahulugan ito na ang Tao ay kapag napatnubayan sa pagbuhay sa Sunnah ng Propeta sa Islam,ito man ay maging sa kanya-o binuhay niya pagkatapos nitong mamatay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan