عَنْ حُذَيْفَةَ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ:
كُنَّا إِذَا حَضَرْنَا مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ طَعَامًا لَمْ نَضَعْ أَيْدِيَنَا حَتَّى يَبْدَأَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَيَضَعَ يَدَهُ، وَإِنَّا حَضَرْنَا مَعَهُ مَرَّةً طَعَامًا، فَجَاءَتْ جَارِيَةٌ كَأَنَّهَا تُدْفَعُ، فَذَهَبَتْ لِتَضَعَ يَدَهَا فِي الطَّعَامِ، فَأَخَذَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِيَدِهَا، ثُمَّ جَاءَ أَعْرَابِيٌّ كَأَنَّمَا يُدْفَعُ فَأَخَذَ بِيَدِهِ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «إِنَّ الشَّيْطَانَ يَسْتَحِلُّ الطَّعَامَ أَنْ لَا يُذْكَرَ اسْمُ اللهِ عَلَيْهِ، وَإِنَّهُ جَاءَ بِهَذِهِ الْجَارِيَةِ لِيَسْتَحِلَّ بِهَا فَأَخَذْتُ بِيَدِهَا، فَجَاءَ بِهَذَا الْأَعْرَابِيِّ لِيَسْتَحِلَّ بِهِ فَأَخَذْتُ بِيَدِهِ، وَالَّذِي نَفْسِي بِيَدِهِ، إِنَّ يَدَهُ فِي يَدِي مَعَ يَدِهَا».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2017]
المزيــد ...
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Kami noon, kapag dumalo kami kasama ng Propeta (s) sa isang kainan, ay hindi naglalagay ng mga kamay namin hanggang sa magsimula ang Sugo ni Allah (s) saka maglagay siya ng kamay niya. Tunay na kami ay dumalo minsan kasama niya sa isang kainan. May dumating namang isang batang babae na para bang ito ay itinutulak sapagkat pumunta ito upang maglagay ng kamay nito sa pagkain ngunit humawak ang Sugo ni Allah (s) sa kamay nito. Pagkatapos may dumating namang isang Arabeng-disyerto na para bang itinutulak ito ngunit humawak siya sa kamay nito. Nagsabi ang Sugo ni Allah (s): "Tunay na ang demonyo ay nasasapahintulutan sa pagkain na hindi binigkas ang pangalan ni Allah dito. Tunay na siya ay dumating sa pamamagitan ng batang babaing ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito saka dumating naman sa pamamagitan ng Arabeng-disyerto na ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito. Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ang kamay nitong [demonyo] ay nasa kamay ko kasama ng kamay nitong [batang babae]."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2017]
Binanggit ni Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na sila, kapag dumalo sila kasama ng Propeta (s) sa isang kainan, ay hindi naglalagay ng mga kamay nila dito hanggang sa magsimula ang Sugo ni Allah (s) saka maglagay siya ng kamay niya. [Nagsabi siya]: "Tunay na kami ay dumalo minsan kasama niya sa isang kainan. May dumating namang isang batang babae na dahil sa tindi ng bilis nito para bang ito ay itinutulak sapagkat pumunta ito upang maglagay ng kamay nito sa pagkain ngunit humawak ang Sugo ni Allah (s) sa kamay nito. Pagkatapos may dumating namang isang Arabeng-disyerto na para bang itinutulak ito ngunit humawak siya sa kamay nito bago masaling nito ang pagkain. Nagsabi ang Sugo ni Allah (s): "Tunay na ang demonyo ay nabibigyang-kakayahan sa pagkain kapag may nagsimula rito na isang tao nang walang pagbanggit kay Allah (t). Tunay na siya ay dumating sa pamamagitan ng batang babaing ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito saka dumating naman sa pamamagitan ng Arabeng-disyerto na ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito. Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ang kamay ng demonyo ay nasa kamay ko kasama ng kamay nitong [batang babae]." Pagkatapos binanggit niya ang pangalan ni Allah (t) at kumain siya.