عَنْ عَائِشَةَ رضي الله عنها قَالَتْ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم:
«مَنْ أَحْدَثَ فِي أَمْرِنَا هَذَا مَا لَيْسَ فِيهِ فَهُوَ رَدٌّ» متفق عليه.
ولمسلم: «مَنْ عَمِلَ عَمَلًا لَيْسَ عَلَيْهِ أَمْرُنَا فَهُوَ رَدٌّ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2697]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng anumang hindi kaugnay rito, iyon ay tatanggihan." – Napagkaisahan sa katumpakan at batay naman kay Imām Muslim –: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi batay dito ang nauukol sa amin, iyon ay tatanggihan."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2697]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang umimbento sa Relihiyon o gumawa ng isang gawaing hindi pinatutunayan ng isang patunay mula sa Qur'ān at Sunnah, iyon ay ibabalik sa tagagawa nito, hindi tatanggapin sa ganang kay Allāh.