+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبي -صلى الله عليه وآله وسلم- قال: «مَن نَفَّسَ عن مؤمنٍ كُرْبَةً من كُرَبِ الدُّنيا نَفَّسَ اللهُ عنه كُرْبَةً من كُرَبِ يومِ القِيَامَة، ومن يَسَّرَ على مُعْسِرٍ يَسَّرَ اللهُ عليه في الدُّنيا والآخرةِ، ومن سَتَرَ مُسْلِمًا سَتَرَهُ اللهُ في الدُّنيا والآخرةِ، واللهُ في عَوْنِ العَبْدِ ما كَانَ العبدُ في عَوْنِ أَخِيهِ، ومن سَلَكَ طَرِيقًا يَلتَمِسُ فِيهِ عِلمًا سَهَّلَ اللهُ له به طريقًا إلى الجنةِ، وما اجْتَمَعَ قَوْمٌ في بيتٍ من بيوتِ اللهِ يَتْلُونَ كتابَ اللهِ ويَتَدَارَسُونَهُ بينهم إلا نَزَلَتْ عليهم السَّكِينَةُ وغَشِيَتْهُمُ الرَّحْمَةُ وحَفَّتْهُمُ الملائِكَةُ، وذَكَرَهُمُ اللهُ فِيمَنْ عِندَهُ، ومَن بَطَّأ به عمله لم يُسرع به نَسَبُهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang pumawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagkabuhay. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nagigipit, pagiginhawahin siya ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, pagtatakpan siya ni Allāh sa Araw ng Pagkabuhay. Si Allāh ay handa sa pagtulong sa tao hanggat ang tao ay handa sa pagtulong sa kapwa niya. Ang sinumang tumahak ng isang daan habang naghahanap dahil doon ng isang kaalaman, magpapadali si Allāh para sa kanya ng isang daan patungong Paraiso. Kapag may nagtitipon na mga tao sa isang bahay mula sa mga bahay ni Allāh, pagkataas-taas Niya, na binibigkas nila roon ang Aklat ni Allāh at nag-aaralan sila nito sa gitna nila, bababa sa kanila ang kapanatagan, babalutin sila ng awa, paliligiran sila ng mga anghel, at babanggitin sila ni Allāh sa sinumang nasa piling Niya. Ang sinumang pinabagal ng gawa niya, hindi siya pabibilisin ng kaangkanan niya."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ipinaaalam sa atin ng marangal na ḥadīth: Ang sinumang pumawi ng isang pighati buhat sa isang Muslim o nagpadali sa isang bagay na mahirap sa kanya o nagtakip sa kanya ng isang kahinaan o kamalian, tunay na si Allah ay gaganti sa kanya ayon sa uri ng mga gawain niyang ipinakinabang niya. Si Allah, pagkataas-taas Niya, ay tumutulong sa tao sa pamamagitan ng pagpapanagumpay sa kanya sa buhay niya sa Mundo at buhay niya sa Kabilang-buhay kapag umaalalay siya sa kapatid niyang Muslim sa mga nauukol ditong mahirap dito. Ang sinumang tumahak ng isang daang pisikal gaya ng paglalakad patungo sa mga pagtitipon sa pag-aalaala kay Allah o mga pagtitipon ng maaalam na nagsasaliksik at nagsasagawa ng kaalaman nila, na nagnanais matuto, at tumahak sa daang espirituwal na nagpapahantong sa pagkamit ng kaalamang ito gaya ng mga pagrerepaso niya, pagbabasa niya, pag-iisip niya, pag-uunawa niya sa ipinararating sa kanya na mga kaalamang napakikinabangan, at iba pa, ang sinumang tumahak sa daang ito nang may layuning matuwid at tapat ay pananagumpayin si Allah sa kaalamang napakikinabangan at humahantong sa Paraiso. Ang mga nagtitipon sa isa sa mga bahay ni Allah para bumigkas ng Mahal na Qur'ān at mag-aral nito, bibigyan sila ni Allah ng kapanatagan, kasaklawan ng awa, pagdalo ng mga anghel, at pagbubunyi sa kanila mula sa Kanya sa kataas-taasang pamunuan. Ang karangalan na lubos na karangalan ay ayon sa mga gawang matuwid hindi ayon sa mga kaangkanan at mga kalagayan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Asami الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin