+ -

عن الْأَغَرِّ رضي الله عنه، وَكَانَ مِنْ أَصْحَابِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«يَا أَيُّهَا النَّاسُ تُوبُوا إِلَى اللهِ، فَإِنِّي أَتُوبُ فِي الْيَوْمِ إِلَيْهِ مِائَةَ مَرَّةٍ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2702]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Agharr (malugod si Allāh sa kanya), na kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Kanya nang isandaang ulit sa isang araw."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2702]

Ang pagpapaliwanag

Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tao ng pagpaparami ng pagbabalik-loob at paghingi ng tawad. Nagpapabatid siya tungkol sa sarili niya na siya ay nagbabalik-loob kay Allāh (napakataas Siya) at humihingi ng tawad sa Kanya nang higit sa isandaang ulit sa isang araw samantalang pinatawad na siya sa anumang nauna sa pagkakasala niya at anumang nahuli. Sa gayon ay may kalubusan ng pagkaaba at pagpapakamananamba kay Allāh (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan).

من فوائد الحديث

  1. Ang bawat isa, naging ano man ang grado niya at ang antas niya sa pananampalataya, ay tunay na nagangailangan ng pagbabalik kay Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) at pagkumpleto ng sarili niya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob. Ang bawat isa ay hindi nawawalan ng pagkukulang sa pagsasagawa ng karapatan ni Allāh (Qur'ān 24:31): {Magbalik-loob kayo kay Allāh nang lahatan, O mga mananampalataya,}
  2. Ang pagbabalik-loob ay pangkakalahatan, maging mula man sa pagkagawa ng mga ipinagbabawal at mga pagkakasala o mula man sa pagkukulang sa paggawa ng mga kinakailangan.
  3. Ang pagpapakawagas sa pagbabalik-loob ay isang kundisyon sa pagtanggap nito. Kaya ang sinumang nag-iwan ng isang pagkakasala dahil hindi kay Allāh, siya ay hindi nagiging isang tagapagbalik-loob.
  4. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang pagbabalik-loob ay may tatlong kundisyon: na kumalas sa pagsuway, na magsisi sa pagkagawa nito, at na magtika nang isang matatag na pagtitika na hindi manumbalik sa tulad nito magpakailanman. Kung ang pagsuway ay nauugnay sa isang tao, mayroon itong ikaapat na kundisyon: ang pagsasauli ng kinuha sa may-ari nito o ang pagkamit ng pagpapatawad mula roon.
  5. Ang pagtawag-pansin na ang paghingi ng tawad ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nangangailangan na magkaroon siya ng mga pagkakasalang naisagawa niya, subalit iyon ay dahil sa kalubusan ng pagkamananamba niya at pagkakahumaling niya sa pag-alaala kay Allāh at pagsasadamdamin niya ng kadakilaan ng karapatan ni Allāh (napakataas Siya) at pagkukulang ng tao ano man ang gawin nito sa pagpapasalamat sa mga biyaya Niya. Ito ay bahagi ng pagsasabatas para sa Kalipunang Islām matapos niya at iba pa roon na kahatulan.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الموري Luqadda malgaashka Luqadda kinaadiga الأوكرانية الجورجية المقدونية الماراثية
Paglalahad ng mga salin