+ -

عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الخُدْرِيِّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«يُؤْتَى بِالْمَوْتِ كَهَيْئَةِ كَبْشٍ أَمْلَحَ، فَيُنَادِي مُنَادٍ: يَا أَهْلَ الجَنَّةِ، فَيَشْرَئِبُّونَ وَيَنْظُرُونَ، فَيَقُولُ: هَلْ تَعْرِفُونَ هَذَا؟ فَيَقُولُونَ: نَعَمْ، هَذَا المَوْتُ، وَكُلُّهُمْ قَدْ رَآهُ، ثُمَّ يُنَادِي: يَا أَهْلَ النَّارِ، فَيَشْرَئِبُّونَ وَيَنْظُرُونَ، فَيَقُولُ: وهَلْ تَعْرِفُونَ هَذَا؟ فَيَقُولُونَ: نَعَمْ، هَذَا المَوْتُ، وَكُلُّهُمْ قَدْ رَآهُ، فَيُذْبَحُ ثُمَّ يَقُولُ: يَا أَهْلَ الجَنَّةِ خُلُودٌ فَلاَ مَوْتَ، وَيَا أَهْلَ النَّارِ خُلُودٌ فَلاَ مَوْتَ، ثُمَّ قَرَأَ: {وَأَنْذِرْهُمْ يَوْمَ الحَسْرَةِ إِذْ قُضِيَ الأَمْرُ وَهُمْ فِي غَفْلَةٍ} [مريم: 39]، وَهَؤُلاَءِ فِي غَفْلَةٍ أَهْلُ الدُّنْيَا {وَهُمْ لاَ يُؤْمِنُونَ} [مريم: 39]».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 4730]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
{May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa saka may mananawagang isang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Pagkatapos mananawagan ito: "O mga maninirahan sa Impiyerno," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ito: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili [sa Paraiso] sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] sapagkat wala nang kamatayan." Pagkatapos bumigkas siya: "Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, ..." (Qur'ān 19:39) Ang mga ito, habang nasa isang pagkalingat, ay ang mga naninirahan sa Mundo: "sila ay hindi sumasampalataya." (Qur'ān 19:39)}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 4730]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kamatayan ay dadalhin sa Araw ng Pagbangon gaya sa anyo ng lalaking tupa na may kaputian at kaitiman. Saka may mananawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso!" Kaya magbabanat sila ng mga leeg nila at mga batok nila, mag-aangat sila ng mga ulo nila, at titingin sila. Saka magsasabi ito sa kanila: "Nakakikilala kaya kayo nito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon at makakikilala niyon. Pagkatapos mananawagan ang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Impiyerno!" Kaya magbabanat sila ng mga leeg nila at mga batok nila, mag-aangat sila ng mga ulo nila, at titingin sila. Saka magsasabi ito: "Nakakikilala kaya kayo nito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili sa [Paraiso] magpakailanman sa mga mamamalagi sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] magpakailanman sa mga mamamalagi sapagkat wala nang kamatayan." Iyon ay upang maging karagdagan sa kaginhawahan ng mga mananampalataya at pasakit sa pagdurusa ng mga tagatangging sumampalataya. Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, habang sila ay hindi sumasampalataya.} (Qur'ān 19:39) Kaya sa Araw ang Pagbangon, magpapahiwalay sa pagitan ng mga maninirahan sa Paraiso at Impiyerno. Papasok ang bawat isa sa hinantungan niya bilang pamamalagiin doon. Kaya manghihinayang ang tagagawa ng masagwa at magsisisi siya yayamang hindi siya gumawa ng maganda at ang nagkukulang yayamang hindi siya nagdagdag ng kabutihan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kahahantungan ng tao sa Kabilang-buhay ay ang pananatili sa Paraiso o Impiyerno.
  2. Ang matinding pagbibigay-babala laban sa hilakbot sa Araw ng Pagbangon at na ito ay araw ng panghihinayang at pagsisisi.
  3. Ang paglilinaw sa pamamalagi ng galak ng mga maninirahan sa Paraiso at pamamalagi ng lungkot ng mga maninirahan sa Impiyerno.
Ang karagdagan