عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«نَارُكُمْ جُزْءٌ مِنْ سَبْعِينَ جُزْءًا مِنْ نَارِ جَهَنَّمَ»، قِيلَ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، إِنْ كَانَتْ لَكَافِيَةً. قَالَ: «فُضِّلَتْ عَلَيْهِنَّ بِتِسْعَةٍ وَسِتِّينَ جُزْءًا كُلُّهُنَّ مِثْلُ حَرِّهَا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3265]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang apoy ninyo ay isang bahagi mula sa pitumpung bahagi ng apoy ng Impiyerno." Sinabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ito ay naging talagang nakasasapat." Nagsabi siya: "Pinalamang iyon higit sa mga iyan ng animanpu't siyam na bahagi, na ang bawat isa sa mga iyan ay tulad ng init nito."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3265]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang apoy ng Mundo ay isang bahagi mula sa pitumpung bahagi ng apoy ng Impiyerno. Ang apoy ng Kabilang-buhay ay nakahihigit ang lakas ng kainitan nito sa kainitan ng apoy ng Mundo ng animnapu't siyam na bahagi, na ang bawat bahagi mula rito ay nakatutumbas sa kainitan ng apoy ng Mundo. Kaya sasabihin: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang apoy ng Mundo ay nakasasapat para sa pagdudulot ng pagdurusa sa mga papasok doon." Kaya nagsabi siya: "Nakalamang ang apoy ng Impiyerno sa apoy ng Mundo ng animanpu't siyam na ulit, na ang bawat isa rito ay tulad niyon sa tindi ng init."