عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «لو يعلمُ المؤمنُ ما عند الله من العقوبة، ما طَمِع بِجَنَّتِهِ أحدٌ، ولو يَعلمُ الكافرُ ما عند الله من الرَّحمة، ما قَنَطَ من جَنَّتِهِ أحدٌ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kung sakaling nalalaman ng mananampalataya ang nasa kay Allah na kaparusahan, walang mag-aasam ng Paraiso Niya ni isa man. Kung sakaling nalalaman ng tumatangging sumampalataya ang nasa kay Allah na awa, walang mawawalan ng pag-asa sa Paraiso Niya ni isa man."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang kahulugan ng ḥadīth: Na ang Mananampalataya na nagkaroon ng karapatan sa Paraiso, kung sakaling nalalaman niya nang totohanan ang nasa kay Allah, pagkataas-taas Niya, na parusa sa mundo at parusa sa kabilang-buhay para sa mga tumatangkilik sa kawalang-pananampalataya at kaligawan, hindi siya magmimithing pumasok sa Paraiso, bagkus talagang ang magiging mithi niya ay na alisin siya sa Impiyerno dahil sa matinding pagdurusa at mabigat na parusa roon na hindi makakaya ng mga katawan. Kabaliktaran niyon, ang tumatangging sumampalataya, kung sakaling nalaman niya nang totohanan ang awa ng pinakamaawain sa mga maawain at ng pinakamapagbigay sa mga mapagbigay, hindi siya mawawalan ng pag-asa sa awa Niya, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, bagkus talagang mimithiin niyang pumasok sa Paraiso dahil sa pagkakaalam niya sa lawak ng awa ni Allah, pagkataas-taas Niya, at na Siya ay malawak sa pagpapatawad.