عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما قال: ما سُئل رسول الله - صلى الله عليه وسلم- شيئا قطُّ، فقال: لا.
وعن أنس رضي الله عنه قال: ما سئل رسول الله صلى الله عليه وسلم على الإسلام شيئا إلا أعطاه، ولقد جاءه رجل، فأعطاه غنما بين جبلين، فرجع إلى قومه، فقال: يا قوم، أسلموا فإن محمدا يعطي عطاء من لا يخشى الفقر، وإن كان الرجل ليسلم ما يريد إلا الدنيا، فما يلبث إلا يسيرا حتى يكون الإسلام أحب إليه من الدنيا وما عليها.
[صحيح] - [حديث جابر متفق عليه ، وحديث أنس رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanya: "Hindi hiningan ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng anuman kailanman at nagsabi siya ng hindi." Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Hindi hiningan ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, [ng isang papasok] sa Islam ng anuman malibang ibinigay niya iyon. Talaga ngang pinuntahan siya ng isang lalaki at binigyan niya ito ng mga tupa na nasa pagitan ng dalawang bundok. Umuwi ito sa mga kalipi nito at nagsabi: O mga kalipi, yumakap kayo sa Islam sapagkat tunay na si Muḥammad ay nagbibigay ng kaloob [gaya ng isang] hindi natatakot sa karalitaan. Bagamat nangyayaring ang isang lalaking ay yumayakap sa Islam na nagnanais ng kamunduhan lamang, ngunit nagtatagal lamang nang saglit ang gayon hanggang sa ang Islam ay naging pinakakaibig-ibig sa kanya kaysa sa kamunduhan at anumang narito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang kahulugan ng ḥadīth: Na ang propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay walang isang humingi sa kanya ng anuman sa mga bagay-bagay sa mundo na sinabihan niya ng hindi, bilang pagtangging magbigay. Bagkus kung mayroon siya, ibibigay niya roon o magsasabi siya roon ng malumanay na pananalita bilang pagsunod sa utos ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa sinabi Niya: "Ang nanghihingi naman ay huwag mong itaboy." (Qur'an 93:10) Isinaysay ni Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad ayon kay Anas na siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay "maawain. Walang isang pumupunta sa kanya na nanghihingi na hindi niya pinangakuang bigyan ito o nagbibigay agad siya rito kung mayroon siya." Itnuring na maganda ito ni Shaykh Al-Albānīy sa mga komentaryo sa Al-Adab Al-Mufrad, pahina 145. Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Na may isang lalaking pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya pinapuntahan niya ang mga maybahay niya [para magpakuha ng pagkain] ngunit nagsabi sila: Wala kaming anuman maliban sa tubig. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Sino ang magsasama o magpapatuloy rito?" Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy, numero 3798; at ni Imām Al-Bukhārīy, numero 2093, ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "May dumating na isang babaing may dalang balabal na nagsabi: O Sugo ni Allah, tunay na ako ay humabi nito ng kamay ko; ipasusuot ko sa iyo ito. Kinuha ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, dahil nangangailangan nito. Pumunta siya sa amin at tunay na ito ay itinapis niya. Nagsabi ang isang lalaki kabilang sa mga tao: O Sugo ni Allah, ipasuot mo sa akin iyan. Nagsabi siya: Oo. Naupo ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtitipon, pagkatapos ay umuwi siya. Tinupi niya ito, pagkatapos ay ipinadala niya ito roon. Nagsabi roon ang mga tao: Magaling ang ginawa mo; hiningi mo iyan sa kanya. Talaga ngang nalaman mo na siya hindi tumatanggi sa isang nanghihingi. Nagsabi ang lalaki: Sumpa man kay Allah, hindi ko ito hiningi sa kanya malibang upang maging kafan ko sa araw na mamatay ako. Nagsabi si Sahl: Iyon ay naging kafan. Ito ay ang kalagayan niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa sinumang humingi sa kanya. Kung mayroon siya ay ibibigay niya doon, kung sakaling mayroon ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at kahit pa man may pangangailangan siya roon. Kung wala naman siya nito, hihingi siya ng paumanhin doon o pangangakuan niya iyon [na maghintay] sa pansamantala o hihiling siya para roon sa mga kasamahan niya. Ito ay bahagi ng pagkamapagbigay niya, kagalantehan niya, at kagandahan ng kaasalan niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.