+ -

عن سهل بن سعد الساعدي رضي الله عنه قال: مَرَّ رجلٌ على النبي صلى الله عليه وسلم فقال لرجل عنده جالسٌ: «ما رأيُك في هَذا؟»، فقال: رجل من أَشراف الناس، هذا والله حَرِيٌّ إن خَطب أن يُنْكَحَ، وإن شَفع أن يُشَفَّعَ، فَسكت رسول الله صلى الله عليه وسلم ثم مرَّ رجلٌ آخر، فقال له رسول الله صلى الله عليه وسلم : «ما رأيُك في هذا؟» فقال: يا رسول الله، هذا رجلٌ من فقراء المسلمين، هذا حَرِيٌّ إن خَطب أن لا يُنْكَحَ، وإن شَفَعَ أن لا يُشَفَّعَ، وإن قال أن لا يُسمع لقوله، فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «هذا خَيرٌ من مِلءِ الأرض مثل هذا».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allah sa kanya: "May isang lalaking nagdaan sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi siya sa isang lalaking nakaupo sa tabi niya: Ano ang palagay mo sa [lalaking] ito? Kaya nagsabi ito: Isang lalaking kabilang sa mga maharlika ng mga tao. Ito, sumpa man kay Allah, ay karapat-dapat, kung nag-alok na magpakasal, na ipakasal; at kung namagitan [ay dapat] na tanggapin ang pamamagitan. Nanahimik ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Pagkatapos ay may isa pang lalaking dumaan kaya nagsabi rito ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ano ang palagay mo sa [lalaking] ito? Kaya nagsabi ito: O Sugo ni Allah, ito ay isang lalaking kabilang sa mga maralita ng mga Muslim. Ito ay karapat-dapat, kung nag-alok ng kasal, na hindi ipakasal; kung namagitan [ay dapat] na hindi tanggapin ang pamamagitan; at kung nagsalita [ay dapat] na hindi dinggin ang sinasabi niya. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: [Ang maralitang] Ito ay higit na mabuti kaysa sa gamundong dami ng tulad ng [maharlikang] iyon."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng hadith: May nagdaan sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na dalawang lalaki. Ang isa sa dalawa ay kabilang sa mga maharlika ng mga tao, kabilang sa sinusunod ang pananalita sa kanila, kabilang sa tinutugon kapag nag-alok, at dinidinig kapag nagsabi. Ang ikalawa ay ang kabaliktaran: isang lalaking kabilang sa mga mahina sa mga Muslim, wala siya halaga. Kung nag-alok ay hindi tinutugon. Kung namagitan ay hindi tinatanggap ang pamamagitan. Kung nagsabi ay hindi dinidinig. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "[Ang maralitang] Ito ay higit na mabuti kaysa sa gamundong dami ng tulad ng [maharlikang] iyon." Ibig sabihin ay mabuti sa ganang kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, kaysa sa gamundong dami ng tulad ng lalaking ito na may kamaharlikaan at impluwensiya sa mga tao niya dahil si Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ay hindi tumitingin sa kamaharlikaan, impluwensiya, kaangkanan, yaman, anyo, kasuutan, sasakyan, at tirahan. Tumitingin lamang siya sa mga puso at gawa. Nasaad sa hadith: "Tunay na si Allah ay hindi tumitingin sa mga anyo ninyo ni sa mga yaman ninyo, ngunit tumitingin lamang Siya sa mga puso ninyo at sa mga gawa ninyo." Isinaysay ito ni Muslim, numero 2564. Kaya kapag bumuti ang puso sa pagitan niya at ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at nagbalik-loob kay Allah, naging nag-aalaala kay Allah, pagkataas-taas Niya, natatakot sa Kanya, nagpapakumbaba sa Kanya, gumagawa sa ikinalulugod ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ito ang marangal sa ganang kay Allah. Ito ang prominente kay mabunyi sa ganang Kanya. Ito ang taong kapag sumumpa kay Allah, talagang tutuparin Niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish
Paglalahad ng mga salin