+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَا مِنْ قَوْمٍ يَقُومُونَ مِنْ مَجْلِسٍ لَا يَذْكُرُونَ اللَّهَ فِيهِ إِلَّا قَامُوا عَنْ مِثْلِ جِيفَةِ حِمَارٍ، وَكَانَ لَهُمْ حَسْرَةً».

[صحيح] - [رواه أبو داود] - [سنن أبي داود: 4855]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Walang anumang mga taong tumatayo mula sa inupuan, na hindi umaalaala kay Allāh roon, malibang tatayo sila palayo sa tulad ng isang bangkay ng isang asno at ito para sa kanila ay magiging isang hinagpis."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud] - [سنن أبي داود - 4855]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anumang mga tao na umupo sa isang pagtitipon pagkatapos tumayo sila mula roon samantalang hindi sila umaalaala kay Allāh roon malibang tatayo sila palayo sa tulad ng mga nagtipon sa isang bangkay ng isang asno dahil sa kabahuan at karumihan. Iyon ay dahil nagpakaabala sila sa pagsasalita sa halip ng pag-alaala kay Allāh. Ang pagtitipong iyon ay magiging isang hinagpis sa kanila sa Araw ng Pagbangon, isang kakulangan, at isang pagsisising kakapit sa kanila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang nabanggit mula sa pagbibigay-babala tungkol sa pagkalingat sa pag-alaala kay Allāh ay hindi nalilimitahan sa mga pagtitipon lamang, bagkus sumasaklaw ito sa iba pa sa mga iyon. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Kinasusuklaman para sa sinumang umupo sa isang lugar na lumisan doon bago ito umalaala doon kay Allāh (napakataas Siya).
  2. Ang hinagpis na mangyayari sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay maaaring dahil sa pagkaalpas ng pabuya at gantimpala dahil sa kawalan ng pagbenepisyo mula sa oras sa pagtalima kay Allāh at maaaring dahil sa kasalanan at parusa dahil sa pagkaabala ng oras sa pagsuway kay Allāh.
  3. Ang pagbibigay-babalang ito ay kapag ang pagkalingat na ito ay sa mga bagay na pinapayagan kaya papaano na sa mga pagtitipong ipinagbabawal na nasa mga iyon ang panlilibak, ang tsismis, at iba pa?