عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الخُدْرِيِّ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنَّ اللَّهَ تَبَارَكَ وَتَعَالَى يَقُولُ لِأَهْلِ الجَنَّةِ: يَا أَهْلَ الجَنَّةِ؟ فَيَقُولُونَ: لَبَّيْكَ رَبَّنَا وَسَعْدَيْكَ، فَيَقُولُ: هَلْ رَضِيتُمْ؟ فَيَقُولُونَ: وَمَا لَنَا لاَ نَرْضَى وَقَدْ أَعْطَيْتَنَا مَا لَمْ تُعْطِ أَحَدًا مِنْ خَلْقِكَ؟ فَيَقُولُ: أَنَا أُعْطِيكُمْ أَفْضَلَ مِنْ ذَلِكَ، قَالُوا: يَا رَبِّ، وَأَيُّ شَيْءٍ أَفْضَلُ مِنْ ذَلِكَ؟ فَيَقُولُ: أُحِلُّ عَلَيْكُمْ رِضْوَانِي، فَلاَ أَسْخَطُ عَلَيْكُمْ بَعْدَهُ أَبَدًا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6549]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya magsasabi sila: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?" Kaya magsasabi Siya: "Ako ay magbibigay sa inyo ng higit na mainam kaysa roon." Magsasabi sila: "O Panginoon, at aling bagay ang higit na mainam kaysa roon?" Kaya magsasabi Siya: "Magpapadapo Ako sa inyo ng kaluguran Ko kaya hindi Ako maiinis sa inyo matapos nito magpakailanman."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6549]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso kapag sila ay naroon: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya tutugon sila sa Kanya, na mga nagsasabi: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya sa kanila: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Opo, nalugod po kami. Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?" Kaya magsasabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): "Hindi ba Ako magbibigay sa inyo ng higit na mainam kaysa roon?" Magsasabi sila: "O Panginoon, at aling bagay ang higit na mainam kaysa roon?" Kaya magsasabi Siya: "Magpapababa Ako sa inyo ng pamamalagi ng kaluguran Ko at hindi Ako magagalit sa inyo matapos nito magpakailanman."