عَنْ صُهَيْبٍ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِذَا دَخَلَ أَهْلُ الْجَنَّةِ الْجَنَّةَ، قَالَ: يَقُولُ اللهُ تَبَارَكَ وَتَعَالَى: تُرِيدُونَ شَيْئًا أَزِيدُكُمْ؟ فَيَقُولُونَ: أَلَمْ تُبَيِّضْ وُجُوهَنَا؟ أَلَمْ تُدْخِلْنَا الْجَنَّةَ، وَتُنَجِّنَا مِنَ النَّارِ؟ قَالَ: فَيَكْشِفُ الْحِجَابَ، فَمَا أُعْطُوا شَيْئًا أَحَبَّ إِلَيْهِمْ مِنَ النَّظَرِ إِلَى رَبِّهِمْ عَزَّ وَجَلَّ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 181]
المزيــد ...
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
Kapag nakapasok sa Paraiso ang maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allah (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagnanais ba kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?" Kaya magsasabi sila: "Hindi ba nagpaputi Ka sa mga mukha namin? Hindi ba nagpapasok Ka sa amin sa Paraiso at nagligtas Ka sa amin mula sa Impiyerno?" Kaya maghahawi Siya ng tabing. Hindi sila nabigyan ng anumang higit na kaibig-ibig sa kanila kaysa pagtingin sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 181]
Nagpapabatid ang Propeta (s) na kapag nakapasok sa Paraiso ang mga maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allah (napakamapagpala Siya at napakataas) sa kanila:
"Nagnanais kaya kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?"
Kaya magsasabi ang mga maninirahan sa Paraiso sa kabuuan nila: "Hindi ba nagpaputi Ka sa mga mukha namin? Hindi ba nagpapasok Ka sa amin sa Paraiso at nagligtas Ka sa amin mula sa Impiyerno?"
Kaya mag-aalis si Allah ng tabing at mag-aangat Siya nito. Ang tabing Niya ay ang liwanag. Hindi sila nabigyan ng anumang higit na kaibig-ibig sa kanila kaysa pagtingin sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).