عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «إنَّ أدنى مَقْعَدِ أحدِكم من الجنة أن يقول له: تَمَنَّ، فيتمنَّى ويتمنَّى فيقول له: هل تمنَّيتَ؟ فيقول: نعم، فيقول له: فإن لك ما تمنَّيتَ ومثله معه».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang pinakamababang kalagayan ng isa sa inyo sa Paraiso ay na magsasabi [si Allah] sa kanya: Magmithi ka! Kaya magmimithi siya. Magmimithi siya at magsasabi sa kanya: Nagmithi ka ba? Kaya magsasabi siya: Opo. Kaya sasabihin sa kanya: Tunay na ukol sa iyo ang minithi at ang tulad nito kasama nito."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Tunay na ang pinakakaunti sa mga maninirahan sa Paraiso sa pag-aari ang pinakamababa sa kanila sa antas ay ang magkakamit ng lahat ng mga mithi niya yamang wala nang matitira sa kanya na mithi malibang nagkatotoo na yamang magsasabi si Allah sa kanya: "Magmithi ka!" Kaya naman magmimithi siya ng loloobin niya hanggang sa mithiin niya ang lahat ng mithi niya. Magsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya, sa kanya: "Tunay na ukol sa iyo ang minithi at ang tulad nito kasama nito," bilang karagdagan, kabutihang-loob, at pagpaparangal mula kay Allah, pagkataas-taas Niya,