+ -

عَنِ النُّعْمَانِ بْنِ بَشِيرٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنَّ أَهْوَنَ أَهْلِ النَّارِ عَذَابًا مَنْ لَهُ نَعْلَانِ وَشِرَاكَانِ مِنْ نَارٍ، يَغْلِي مِنْهُمَا دِمَاغُهُ كَمَا يَغْلِ الْمِرْجَلُ، مَا يَرَى أَنَّ أَحَدًا أَشَدُّ مِنْهُ عَذَابًا، وَإِنَّهُ لَأَهْوَنُهُمْ عَذَابًا».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 213]
المزيــد ...

Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas mula sa isang apoy, na kukulo dahil sa dalawang ito ang utak niya kung paanong kumukulo ang kaldero. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi kaysa sa kanya sa pagdurusa samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 213]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas, na kukulo ang utak niya dahil sa init ng dalawang ito kung paanong kumukulo ang kalderong tanso. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi sa pagdurusa kaysa sa kanya samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa. Iyon ay dahil talagang matitipon sa kanya ang pagdurusang pangkatawan at pangkaluluwa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagbibigay-babala laban sa mga tagasuway at mga tagatangging sumampalataya laban sa hilakbot ng pagdurusang ito sa Impiyerno upang lumayo sila sa anumang nagpapahantong doon.
  2. Ang pagkakaiba-iba ng mga antas ng mga papasok sa Impiyerno alinsunod sa kasagwaan ng mga gawain nila.
  3. Ang tindi ng pagdurusa sa Impiyerno, iligtas tayo ni Allāh (napakataas Siya) mula roon.