+ -

عن جَبَلَةَ بنِ سُحَيْمٍ، قال: أَصَابَنَا عَامُ سَنَةٍ مع ابنِ الزبيرِ؛ فَرُزِقْنَا تمرًا، وكان عبدُ اللهِ بنُ عمرَ رضي الله عنهما يَمُرُّ بنا ونحن نَأْكُلُ، فيقول: لا تُقَارِنُوا، فإنَّ النبيَّ صلى الله عليه وسلم نهى عن القِرَانِ، ثم يقولُ: إلا أَنْ يَسْتَأْذِنَ الرجلُ أَخَاهُ.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Jabalah bin Suḥaym na nagsabi: Dinapuan kami ng taon ng tagtuyot kasama ni Ibnu Az-Zubayr, at tinustusan kami ng datiles. Si `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ay napararaan noon sa amin habang kami ay kumakain [ng datiles] at nagsasabi: "Huwag ninyong pagsabayin [ang dalawang datiles] sapagkat tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal ng pagsasabay [ng pagkain ng dalawang datiles]." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "Malibang magpaalam ang lalaki sa kasama niya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ayon kay Jabalah bin Suḥaym na nagsabi: Dinapuan kami ng taon ng tagtuyot kasama ni Ibnu Az-Zubayr, malugod si Allāh sa kanya, at nagbigay siya sa amin ng datiles. Si `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ay napararaan noon sa amin habang kami ay kumakain [ng datiles] at nagpapabatid sa amin na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbabawal na pagsabayin ng tao ang dalawang datiles at tulad ng mga ito na kabilang sa makakain ng isa-isa kapag nasa isang pangkat malibang may kapahintulutan ng mga kasamahan niya. Kaya huwag kang kumain ng dalawang datiles sa iisang subo dahil ito ay nakapipinsala sa mga kapatid mong kasama mo. Huwag kang kumain ng higit kaysa sa kanila malibang kapag nagpaalam ka at sinabi mo: "Magpapahintulot ba kayo sa akin na kumain ako ng dalawang datiles nang magkasabay?" Kung nagpahintulot sila sa iyo, walang masama. Tawag-pansin: Sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: "at tumustos siya sa amin..." Ang "siya" ay si Ibnu Az-Zubayr. Ang kahulugan ay "nagbigay siya sa amin..." Sa sanaysay ni Imām Al-Bayhaqīy: "at tinustusan kami..." Maaaring ang tinutukoy na tagatustos ay si Allāh, pagkataas-taas Niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin