+ -

عن أبي سعيد رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «إن أهل الجنة ليَتَراءَوْنَ أهل الغرف من فوقهم كما تَراءَوْنَ الكوكب الدري الغابر في الأفق من المشرق أو المغرب لِتفَاضُلِ ما بينهم» قالوا: يا رسول الله؛ تلك منازل الأنبياء لا يبلغها غيرهم قال: «بلى والذي نفسي بيده، رجال آمنوا بالله وصدقوا المرسلين».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Sa`īd, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang mga naninirahan sa Paraiso ay talagang makakikita sa mga naninirahan sa mataas na tirahan sa ibabaw nila gaya ng pagkakita nila sa maningning na tala na nagdaraan sa abot-tanaw ng silangan o kanluran dahil sa pagkakalamangan sa pagitan nila." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, ang mga iyon ay tahanan ng mga propeta na hindi maaabot ng iba sa kanila?" Nagsabi siya: "Bagkus, sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, [maaabot ng] mga taong sumampalataya kay Allah at nagpatotoo sa mga isinugo."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang mga maninirahan sa Paraiso ay nagkakaiba ang mga tahanan nila alinsunod sa mga antas nila sa kabutihan. Ang mga may matataas na mga antas ay talagang makikita ng mga mababa sa kanila, gaya ng pagkakita sa mga bituin.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Tamil
Paglalahad ng mga salin