+ -

عن أنس رضي الله عنه قال: خَطَبَنَا رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم خُطْبَةً ما سمعتُ مثلها قَطُّ، فقال: «لو تَعْلَمُونَ ما أَعْلَمُ، لَضَحِكْتُمْ قَلِيلًا وَلَبَكَيْتُمْ كَثِيرًا». فَغَطَّى أَصْحَابُ رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم وُجُوهَهُم، ولهم خَنِينٌ. وفي رواية: بَلَغَ رسولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم عن أَصْحَابِهِ شَيْءٌ فَخَطَبَ، فقال: «عُرِضَتْ عَلَيَّ الجَنَّةُ والنَّارُ، فَلَمْ أَرَ كاليومِ في الخيرِ والشرِ، ولو تَعْلَمُونَ ما أَعْلَمُ لَضَحِكْتُمْ قَلِيلًا وَلَبَكَيْتُمْ كَثِيرًا». فما أَتَى على أصحابِ رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم يومٌ أَشَدُّ مِنْهُ، غَطَّوا رُءُوسَهُمْ ولهم خَنِينٌ.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagtalumpati sa amin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang talumpating hindi ako nakarinig tulad niyon kailanman. Nagsabi siya: 'Kung sakaling nalalaman ninyo ang nalalaman ko, talagang tatawa kayo sana nang madalang at talagang iiyak kayo sana nang madalas." Kaya tinakpan ng mga Kasamahan ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga mukha nila at mayroon silang hikbi." Sa isang sanaysay: "Nakaabot sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, buhat sa mga Kasamahan niya, ang isang bagay kaya nagtalumpati siya at nagsabi: 'Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno at hindi ako nakakita ng gaya ng araw [na iyon] sa kabutihan at kasamaan. Kung sakaling nalalaman ninyo ang nalalaman ko, talagang tatawa kayo sana nang madalang at talagang iiyak kayo sana nang madalas.' Walang nakarating sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na isang na higit na matindi kaysa roon. Tinakpan nila ang mga ulo nila at mayroon silang hikbi."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Pinangaralan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga Kasamahan niya ng isang pangaral na hindi sila nakarinig ng tulad niyon kailanman. Bahagi ng kabuuan nito ay nagsabi siya: "Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno. Hindi ako nakakita ng kabutihang higit kaysa sa nakita ko sa araw [na iyon] sa Paraiso at ng kasamaang higit kaysa sa nakita ko sa araw [na iyon] sa Impiyerno. Kung sakaling nalalaman ninyo ang nalalaman kong mga hilakbot sa Kabilang-buhay at ang inihanda sa Paraiso na lugod at sa Impiyerno na masakit na pagdurusa, talagang tatawa kayo sana nang madalang at talagang iiyak kayo sana nang madalas." Walang sumapit sa mga Kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na isang araw na higit na matindi kaysa roon kaya umiyak sila nang matinding iyak.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Vietnamese Kurdish
Paglalahad ng mga salin