عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنْ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«قَالَ اللَّهُ تَبَارَكَ وَتَعَالَى: أَعْدَدْتُ لِعِبَادِي الصَّالِحِينَ، مَا لاَ عَيْنٌ رَأَتْ، وَلاَ أُذُنٌ سَمِعَتْ، وَلاَ خَطَرَ عَلَى قَلْبِ بَشَرٍ» قَالَ أَبُو هُرَيْرَةَ: اقْرَؤُوا إِنْ شِئْتُمْ: {فَلاَ تَعْلَمُ نَفْسٌ مَا أُخْفِيَ لَهُمْ مِنْ قُرَّةِ أَعْيُنٍ} [السجدة: 17].
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 4779]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
{Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): "Naghanda Ako para sa mga lingkod Kong maayos ng walang matang nakakita, walang taingang nakarinig, at hindi pa sumagi sa puso ng isang tao."} Nagsabi si Abū Hurayrah: {Bigkasin ninyo, kung niloob ninyo (Qur'ān 32:17): {Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata}.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 4779]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi, ayon sa pagpapakahulugan sa Qur'ān 32:17: Naglaan Ako at naghanda Ako ng isang pagbibigay-karangalan para sa mga lingkod Kong maayos sa Paraiso ng hindi nakita ng isang mata ang pinakadiwa nito, hindi narinig ng isang tainga ang paglalarawan nito, at hindi naganap at hindi dumaan sa puso ng isang tao ang kakanyahan nito. Nagsabi si Abū Hurayrah: Bigkasin ninyo, kung niloob ninyo:
{Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata} (Qur'ān 32:17)