عن أسامة رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «قُمْتُ على باب الجنَّة، فإذا عامَّة من دخلها المساكين، وأصحاب الجَدِّ مَحْبُوسُونَ، غير أن أصحابَ النَّار قد أُمِرَ بهم إلى النَّار، وقُمْتُ على باب النَّار فإذا عَامَّة من دخلها النساء».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Usāmah, malugod si Allah sa kanya: "Tumayo ako sa pintuan ng Paraiso at ang karamihan pala ng papasok doon ay mga dukha at ang mga may kaya ay mga maaantala. gayon pa man ang mga maninirahan sa Impiyerno ay inutusan patungo sa Impiyerno.Tumayo ako sa pintuan ng Impiyerno at ang karamihan pala ng papasok roon ay mga babae."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang mga maralita at ang mga dukha ay papasok sa Paraiso bago ang mga mayaman. Iyon ay dahil sa sila ay mga maralitang walang yaman kaya hindi siya tutuusin doon at bilang pagpaparangal mula kay Allah, pagkataas-taas Niya, at pagpapabuya sa kanila dahil sa nakaalpas sa kanila na ginhawa sa mundo at karangyaan nito. Ang mga may yamang nagmamaliw na mga may salapi at katungkulan ay mga maaantala sa mga liwasan ng Pagkabuhay dahil sa haba ng pagtutuos sa kanila dahilan sa dami ng mga yaman nila, lawak ng impluwensiya nila, pagpapasarap nila sa mga ito sa Mundo, pagpapakaligaya nila ayon sa mga hilig ng laman at kapritso. Tunay na ang [tinatamasang] ḥalāl sa Mundo ay ay mag pagtutuos at ang [tinatamasang] ḥarām dito ay may pagpaparusa. Ang mga maralita ay mga malaya rito. Ang karamihan ng papasok sa Impiyerno ay mga babae dahil sila ay madalas dumaing at nagkakaila sa kabutihan ng mga asawa.