+ -

عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه مرفوعاً: «جَنَّتانِ مِن فِضَّةٍ آنِيَتُهما، وما فيهما، وجَنَّتانِ مِن ذَهَبٍ آنِيَتُهما، وما فيهما، وما بين القومِ وبين أنْ ينظروا إلى ربِّهم إلَّا رِداءُ الكِبْرِياءُ على وجهِه في جَنَّة عَدْنٍ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "May dalawang harding yari sa pilak ang mga sisidlan ng dalawang ito at ang anumang nasa dalawang ito. May dalawang harding yari sa ginto ang mga sisidlan ng dalawang ito at ang anumang nasa dalawang ito. Walang nasa pagitan ng mga tao at pagtingin nila sa Panginoon nila malibang ang balabal ng kadakilaan sa mukha Niya sa Paraiso ng Eden."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang ḥadīth ay nagpapahiwatig ng pagkakaiba-iba ng mga kalagayan at mga antas sa Paraiso. Ang ilan doon ay higit na mataas kaysa sa ilan ayon sa pisikal at espirituwal na kalagayan. Ang pagkakagawa nito ay yari sa ginto at ang mga sisidlan nito ay yari sa ginto samantalang ang iba naman doon, ang pagkakagawa nito ay yari sa pilak at ang mga sisidlan nito ay yari sa pilak. Alam nating ang ginto ay ang pinakamataas sa mga metal at ang pinakamahal sa mga ito para sa mga kinakausap sa Qur'ān sa panahon ng pagbaba nito. Ipinahihintulot ding doon ay may higit na mataas kaysa sa ginto at higit na mahal dahil si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nagpabatid na sa loob niyon ay may bagay na wala pang matang nakakita, wala pang taingang nakarinig, at hindi pa sumagi sa isip ng isang tao. Nasaad sa simula ng ilan sa mga sanaysay ng ḥadīth na ito: "Ang mga hardin ng Paraiso ay apat: dalawang yari sa ginto..." Sinabi niya: "Walang nasa pagitan ng mga tao at pagtingin nila sa Panginoon nila malibang ang balabal ng kadakilaan sa mukha Niya sa Paraiso ng Eden." Nasaad dito ang tahasang pagpapahayag sa pagkalapit ng tingin nila sa Panginoon nila. Kaya kapag ninais ni Allah na biyayaan sila at dagdagan sa pagpaparangal sa kanila, iaangat Niya ang balabal ng kadakilaan palayo sa mukha Niya at titingin sila sa Kanya. Ang mga Alagad ng Sunnah ay kumikilala sa balabal ng kadakilaan para kay Allah, pagkataas-taas Niya, at sa pagtingin ng mga Mananampalataya sa Panginoon nila sa Paraiso, nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan, ni pagtutulad, at nang walang paglilihis sa kahulugan, ni pag-aalis sa kahulugan, gaya ng pagkilala nila para sa Kanya ng mukhang naaangkop sa pagpipitagan sa Kanya. Hindi ipinahihintulot ang pagbibigay-pakahulugan sa anuman mula roon at pagbaling nito palayo sa tunay na kahulugan nito, gaya ng kapaniwalaan ng Matuwid na Ninuno.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin