+ -

عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«يَقُولُ اللَّهُ تَعَالَى لِأَهْوَنِ أَهْلِ النَّارِ عَذَابًا يَوْمَ القِيَامَةِ: لَوْ أَنَّ لَكَ مَا فِي الأَرْضِ مِنْ شَيْءٍ أَكُنْتَ تَفْتَدِي بِهِ؟ فَيَقُولُ: نَعَمْ، فَيَقُولُ: أَرَدْتُ مِنْكَ أَهْوَنَ مِنْ هَذَا، وَأَنْتَ فِي صُلْبِ آدَمَ: أَلّاَ تُشْرِكَ بِي شَيْئًا، فَأَبَيْتَ إِلَّا أَنْ تُشْرِكَ بِي».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6557]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
Magsasabi si Allāh (napakataas Siya) sa pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon: "Kung sakaling mayroon kang nasa lupa na anuman, ikaw ba ay magtutubos sa pamamagitan nito?" Kaya magsasabi ito: "Opo." Kaya magsasabi Siya: "Nagnais Ako sa iyo ng higit na magaan kaysa rito samantalang ikaw ay nasa gulugod ni Adan: na hindi ka magtambal sa Akin, ngunit nagpumilit ka na magtambal ka sa Akin."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6557]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay magsasabi sa pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa matapos ng pagpasok doon: "Kung sakaling nagkaroon ka sa Mundo at anumang nariyan, ikaw ba ay magtutubos sa pamamagitan nito mula sa pagdurusang ito?" Kaya magsasabi ito: "Opo." Kaya magsasabi si Allāh: "Humiling nga Ako sa iyo at nag-utos nga Ako sa iyo ng higit na madali kaysa roon nang tinanggap ang tipan sa iyo samantalang ikaw ay nasa gulugod ni Adan: na hindi ka magtambal sa Akin ng anuman, ngunit ipinagpilitan mo, noong nagpalabas ako sa iyo patungo sa Mundo, ang Shirk."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الصربية الرومانية Luqadda malgaashka الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng Tawḥīd at ang kadalian ng paggawa ayon dito.
  2. Ang panganib ng pagtatambal kay Allāh (napakataas Siya) at ang kahihinatnan nito.
  3. Tumanggap si Allāh ng tipan sa mga anak ni Adan, habang sila ay nasa likod ng ama nilang si Adan, ng hindi pagtatambal.
  4. Ang pagbibigay-babala laban sa Shirk at na ang Mundo sa kabuuan nito ay hindi makapagdudulot ng anuman sa tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon.
Ang karagdagan