+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «يقول اللهُ: إذا أراد عبدي أنْ يعملَ سيئةً، فلا تكتبوها عليه حتى يعملَها، فإنْ عَمِلها فاكتبوها بمثلِها، وإنْ تركها مِن أجلي فاكتبوها له حسنةً، وإذا أراد أنْ يعملَ حسنةً فلم يعملها فاكتبوها له حسنةً، فإنْ عملها فاكتبوها له بعشر أمثالها إلى سبعِ مائة ضِعْفٍ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagsasabi si Allah: "Kapag ninais ng lingkod Ko na gumawa ng isang gawang masagwa, huwag ninyong itala ito laban sa kanya hanggang sa ginawa niya ito. Kung ginawa niya ito, itala ninyo ito katumbas sa tulad nito. Kung iniwan niya ito alang-alang sa Akin, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kapag ninais niyang gumawa ng isang gawang maganda, ngunit hindi niya nagawa ito, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kung ginawa niya ito, itala ninyo para sa kanya katumbas sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang pakikipag-usap na ito ay mula kay Allah, pagkataas-taas Niya, para sa mga anghel na itinalaga sa pagtatala sa gawa ng tao at pagsusulat nito. Ito ay nagpapatunay sa kabutihang-loob ni Allah sa tao at pagpapaumanhin Niya rito. Sinabi Niya: "Kapag ninais ng lingkod Ko na gumawa ng isang gawang masagwa, huwag ninyong itala ito laban sa kanya hanggang sa ginawa niya ito." Ang gawa ay maaaring tumukoy sa gawain ng puso at ng mga bahagi ng katawan. Ito ang hayag dahil may nasaad nga na nagpapatunay na ang gawain ng puso ay maparurusahan at gagantihan. Nagsabi si Allah, pagkataas-taas Niya, (Qur'ān 22:25): "Ang sinumang naghahangad dito ng isang paglihis bilang paglabag sa katarungan, palalasapin Namin siya ng isang masakit na pagdurusa." Nasaad naman sa tumpak na ḥadīth: "Kapag nagtagpo ang dalawang Muslim dala ang tabak nilang dalawa, ang pumatay at ang napatay ay sa Impiyerno. Nagsabi sila: Itong pumatay, [opo] ngunit paano naman po ang napatay? Nagsabi siya: Tunay na siya ay masigasig sa pagpatay sa kapatid niya." Ang mga tekstong ito ay naaangkop sa pagsasapartikular ng pagkapangkalahatan ng sabi Niya: "Kapag ninais niyang gumawa ng isang gawang masagwa ay huwag ninyong itala ito hanggang sa nagawa niya ito." Ito ay hindi sumasalungat sa sabi Niya hinggil sa gawang masagwa: "hindi isinulat laban sa kanya" dahil ang pasya at determinasyon ng puso ay gawain. Ang sabi Niya: "Kung ginawa niya ito, itala ninyo ito katumbas sa tulad nito." Nangangahulugan ito: bilang iisang masamang gawa. Nagsabi si Allah, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 6:160): "Ang sinumang gumawa ng gawang maganda ay ukol sa kanya ang ganti sa sampung tulad niyon, at ang sinumang gumawa ng gawang masagwa ay walang igaganti sa kanya kundi ang tulad niyon. Hindi sila gagawan ng kawalang katarungan." Nagsabi pa si Allah (Qur'ān 40:40) "Ang sinumang gumawa ng masagwang gawa ay hindi gagantihan maliban ng tulad nito. Ang sinumang gumawa ng matuwid na gawa, lalaki man o babae, habang siya ay isang Mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Paraiso, na tutustusan doon nang walang pagtutuos." Sinabi Niya: "Kung iniwan niya ito alang-alang sa Akin, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda." Nilimitahan ni Allah ang pag-iwan nito bilang alang-alang sa Kanya, pagkataas-taas Niya: bilang takot sa Kanya at pagkahiya. Kapag naman iniwan niya ito dahil sa kahinaan o takot sa nilikha o sa iba pang hadlang, tunay na ang pag-iwang ito ay hindi itatala para sa kanya bilang magandang gawa, bagkus baka isulat laban sa kanya bilang masagwang gawa. Sinabi Niya: "Kapag ninais niyang gumawa ng isang gawang maganda, ngunit hindi niya nagawa ito, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kung ginawa niya ito, itala ninyo para sa kanya katumbas sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit." Ito ay isang pagmamabuting-loob mula kay Allah, pagkataas-taas Niya, ang Mapagbigay, ang Mapagkaloob sa mga lingkod Niya kaya naman ukol sa Kanya ang papuri at ang pagkilala sa kagandahang-loob. Kaya aling kagalantehan ang higit na dakila kaysa rito? Kapag naglayon siya ng magandang gawa, magtatala si Allah dahil dito ng isang buong magandang gawa. Kapag ginawa ang magandang gawa, magtatala dahil dito ng sampung mabuting gawa hanggang sa pitung daang magandang gawa. Sa ḥadīth na ito, isinaysay ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pananalitang ito mula kay Allah, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng sabi niya: "Nagsasabi si Allah: Kapag ninais ng lingkod Ko...", habang naglalarawan sa Kanya sa pamamagitan niyon. Ang sinabing ito ay bahagi ng Batas Niya na naglalaman ng pangako Niya sa mga lingkod Niya at pagmamabuting-loob Niya sa kanila. Ito ay hindi Qur'ān at hindi nilikha sapagkat ang sinabi ni Allah, pagkataas-taas Niya, ay hindi nilikha.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin