+ -

عَنْ أُسَامَةَ بْنِ زَيْدٍ رضي الله عنه قَالَ: قِيلَ لَهُ: أَلَا تَدْخُلُ عَلَى عُثْمَانَ فَتُكَلِّمَهُ؟ فَقَالَ: أَتَرَوْنَ أَنِّي لَا أُكَلِّمُهُ إِلَّا أُسْمِعُكُمْ؟ وَاللهِ لَقَدْ كَلَّمْتُهُ فِيمَا بَيْنِي وَبَيْنَهُ، مَا دُونَ أَنْ أَفْتَتِحَ أَمْرًا لَا أُحِبُّ أَنْ أَكُونَ أَوَّلَ مَنْ فَتَحَهُ، وَلَا أَقُولُ لِأَحَدٍ يَكُونُ عَلَيَّ أَمِيرًا: إِنَّهُ خَيْرُ النَّاسِ بَعْدَمَا سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«يُؤْتَى بِالرَّجُلِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ، فَيُلْقَى فِي النَّارِ، فَتَنْدَلِقُ أَقْتَابُ بَطْنِهِ، فَيَدُورُ بِهَا كَمَا يَدُورُ الْحِمَارُ بِالرَّحَى، فَيَجْتَمِعُ إِلَيْهِ أَهْلُ النَّارِ، فَيَقُولُونَ: يَا فُلَانُ مَا لَكَ؟ أَلَمْ تَكُنْ تَأْمُرُ بِالْمَعْرُوفِ، وَتَنْهَى عَنِ الْمُنْكَرِ؟ فَيَقُولُ: بَلَى، قَدْ كُنْتُ آمُرُ بِالْمَعْرُوفِ وَلَا آتِيهِ، وَأَنْهَى عَنِ الْمُنْكَرِ وَآتِيهِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2989]
المزيــد ...

Ayon kay Usāmah bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Sinabi sa kanya: "Hindi ka ba papasok sa kinaroroonan ni `Uthmān para makipag-usap ka sa kanya?" Kaya nagsabi siya: "Nakakikita ba kayo na ako ay hindi nakikipag-usap sa kanya malibang nagpaparinig sa inyo? Sumpa man kay Allāh, talaga ngang kumausap ako sa kanya hinggil sa pagitan ko at niya, habang hindi ako nagbubukas ng isang usaping hindi ako nakaiibig na ako ay maging ang una sa nagbukas niyon. Hindi ako nagsasabi sa isa na siya sa akin ay magiging isang pinuno: "Tunay na siya ay pinakamabuti sa mga tao," matapos na nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
Maghahatid sa isang lalaki sa Araw ng Pagbangon saka itatapon ito sa Impiyerno saka makalalabas ang mga bituka ng tiyan niya saka iikot siya kasabay ng mga ito kung paanong umiikot ang asno sa giikan. Kaya magtitipon sa kanya ang mga maninirahan sa Impiyerno saka magsasabi sila: "O Polano, ano ang nangyari sa iyo? Hindi ba ikaw noon ay nag-uutos ng nakabubuti at sumasaway ng nakasasama?" Kaya magsasabi siya: "Oo; ako nga noon ay nag-uutos ng nakabubuti at hindi nagsasagawa nito at nagsasaway ng nakasasama at nagsasagawa nito."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2989]

Ang pagpapaliwanag

Sinabi kay Usāmah bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya): "Hindi ka ba papasok sa kinaroroonan ni `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) para makipag-usap ka sa kanya hinggil sa naganap na sigalot sa gitna ng mga tao at pagpupunyagi sa pag-apula nito sa kabuuan nito saka magpapaabot ako sa kanila na siya ay kumausap dito nang palihim sa paghahangad ng kaayusan hindi bilang pagpukaw sa sigalot?" Ang layon niya ay na siya ay hindi nagnanais ng paglalantad ng pagmamasama sa mga pinuno sa madla para ito ay maging isang kadahilanan ng pagpapakapalalo sa Khalīfah. "Ito ay isang pinto ng isang sigalot at isang kasamaan na ako ay hindi ang una sa sinumang magbubukas nito," sabi niya.
Pagkatapos nagsabi si Usāmah bin Zayd (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na siya ay nagpapayo sa mga pinuno nang palihim; hindi naglalangis sa isa man, kahit pa man siya ay isang pinuno; at hindi nagsisipsip sa kanila para magpuri sa mga ito sa mga harap nila ng kabulaanan. Iyon ay matapos na nakarinig siya mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may ihahatid sa Araw ng Pagbangon na isang lalaki para itapon ito sa Impiyerno saka lalabas ang mga bituka nito mula sa tiyan nito sa isang mabilisang paglabas dahil sa tindi ng init at tindi ng pagdurusa. Mag-iikot ito ng mga bituka nito gaya ng pag-ikot ng asno sa paligid ng giikan, na bato ng gilingan. Magtitipon sa paligid niya ang mga maninirahan sa Impiyerno sa isang anyong pabilog na papaligid sa kanya saka magtatanong sila sa kanya: "O Polano, hindi ba ikaw noon ay nag-uutos ng nakabubuti at sumasaway sa nakasasama?"
Kaya magsasabi siya: "Tunay na ako noon ay nag-uutos ng nakabubuti at hindi gumagawa nito at sumasaway sa nakasasama at gumagawa ako nito."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda kinaadiga
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang batayang panuntunan sa pagpapayo sa mga nakatalaga sa mga pamamahala ay na ito ay maging nasa pagitan nila at ng tagapayo at na hindi siya magsalita hinggil dito sa gitna ng madlang tao.
  2. Ang matinding banta sa sinumang sumasalungat ang sabi niya sa gawa niya.
  3. Ang etiketa sa mga pinuno, ang pagpapakabanayad sa kanila, ang pag-uutos sa kanila ng nakabubuti, at ang pagsaway sa kanila ng nakasasama.
  4. Ang pagpula sa pang-uuto sa mga pinuno kaugnay sa katotohanan at ang paglalantad ng ikinukubling kasalungatan niyon gaya ng nagsisipsip sa pamamagitan ng kabulaanan.