عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «إنَّ في الجنَّة مائةَ دَرَجَة أعَدَّهَا الله للمُجاهِدين في سَبِيل الله ما بَيْنَ الدَّرَجَتَيْنِ كما بين السماء والأرض».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na sa Paraiso ay may isandaang antas na inihanda ni Allah para sa mga nakikibaka sa landas Niya, na ang pagitan ng dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit at lupa."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Nagpapabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa ḥadīth na ito ng tungkol sa kalamangan ng mga nakikibaka sa landas ni Allah at na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay naghanda na para sa kanila sa Paraiso ng isandaang antas na ang pagitan ng dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit at lupa.