+ -

عن جابر رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «إن في الليل لساعة، لا يُوَافِقُهَا رجُلٌ مُسلم يَسأل الله تعالى خيرًا من أمْرِ الدنيا والآخرة، إلا أعْطَاه إِياه، وذلك كُلَّ ليلة».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na sa gabi ay may oras na kapag natapatan ng isang taong Muslim na humihiling kay Allah, pagkataas-taas Niya, ng kabutihang kabilang sa nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay, bibigyan siya nito. Iyon ay sa bawat gabi."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Sa bawat gabi ay may oras na tinutugon doon ang panalangin. Kaya kapag natapatan ito ng isang taong Muslim na hindi dumadalangin doon ng isang ipinagbabawal, tutugunin ni Allah ang panalangin niya. Ito ay ang huling ikatlong bahagi ng gabi, gaya ng nasaad sa mga ibang tumpak na teksto.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin