عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«أَقْرَبُ مَا يَكُونُ الْعَبْدُ مِنْ رَبِّهِ وَهُوَ سَاجِدٌ، فَأَكْثِرُوا الدُّعَاءَ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 482]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang pinakamalapit na lagay na ang tao ay magiging mula sa Panginoon niya ay habang siya ay nakapatirapa, kaya damihan ninyo ang pagdalangin."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 482]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamalapit na lagay na ang tao ay magiging mula sa Panginoon niya ay habang siya ay nakapatirapa. Iyon ay dahil ang nagdarasal ay naglalagay ng pinakamataas at pinakamarangal na nasa katawan niya sa lapag bilang pagpapakataimtim, pagpapakaaba, at pagpapakumbaba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) habang siya ay nakapatirapa.
Nag-utos nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpaparami ng pagdalangin sa pagkapatirapa, kaya naman natitipon doon ang pagpapakaaba kay Allāh sa sinasabi at ginagawa.