عن أبي أمامة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إن أَوْلَى الناس بالله من بَدَأَهُمْ بالسلام».
وفي رواية للترمذي: قيل: يا رسول الله، الرَّجُلان يَلْتَقِيَان أَيُّهُمَا يَبْدَأُ بالسلام؟، قال: «أَوْلاهُمَا بالله تعالى».
[صحيح] - [الرواية الأولى رواها أبو داود.
الرواية الثانية رواها الترمذي]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tunay na ang pinakamalapit sa mga tao kay Allah ay ang nagsimula sa kanila sa pagbati." Sa isang sanaysay ni Imām At-Tirmidhīy, sinabi: "O Sugo ni Allah, ang dalawang lalaki na nagtagpo, alin sa kanilang dalawang ang magsisimula sa pagbati?" Nagsabi siya: "Ang pinakamalapit sa kanilang dalawa kay Allah, pagkataas-taas Niya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Ang pinakamabuti sa mga tao at ang pinakamalapit sa kanila sa pagtalima kay Allah ay ang sinumang nanguna sa mga kapatid niya sa pagbati dahil nanguna siya sa pagtalima at nagmadali rito bilang pagkaibig sa [gantimpalang] nasa kay Allah, pagkataas-taas Niya. Kaya naman siya ang pinakamalapit sa mga tao kay Allah at ang pinakatumatalima sa kanila.