+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال:
سُئِلَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَنْ أَكْثَرِ مَا يُدْخِلُ النَّاسَ الْجَنَّةَ، فَقَالَ: «تَقْوَى اللهِ وَحُسْنُ الْخُلُقِ»، وَسُئِلَ عَنْ أَكْثَرِ مَا يُدْخِلُ النَّاسَ النَّارَ فَقَالَ: «الْفَمُ وَالْفَرْجُ».

[حسن صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 2004]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}

[Maganda, tumpak] - - [سنن الترمذي - 2004]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakasukdulan sa mga kadahilanan na magpapapasok sa Paraiso ay dalawang kadahilanan:
Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan.
Ang pangingilag magkasala kay Allāh ay na maglagay ka sa pagitan mo at ng parusa ni Allāh ng isang pananggalang. Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
Ang kagandahan ng kaasalan ay sa pamamagitan ng pagpapasaya ng mukha, pagkakaloob ng nakabubuti, at pagpipigil ng perhuwisyo.
Ang pinakasukdulan sa mga kadahilanan na magpapapasok sa Impiyerno ay dalawang kadahilanan:
Ang dila at ang ari.
Ang dila. Kabilang sa mga pagsuway nito ang pagsisinungaling, ang panlilibak, ang pagtsitsismis, at ang iba pa sa mga ito.
Ang ari. Kabilang sa mga pagsuway nito ang pangangalunya, ang sodomiya, at ang iba pa sa mga ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpasok sa Paraiso ay may mga kadahilanang nauugnay kay Allāh (napakataas Siya), na kabilang sa mga ito ang pangingilag magkasala sa Kanya; at may mga kadahilanang nauugnay sa mga tao, na kabilang sa mga ito ang kagandahan ng kaasalan.
  2. Ang panganib ng dila sa may taglay nito at na ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno.
  3. Ang panganib ng mga pagnanasa at mga kahalayan sa tao at na ang mga ito ay kabilang sa pinakamarami sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno.