+ -

عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : "الْبَاقِيَاتُ الصَّالِحَاتُ، لَا إلَهَ إلَّا اللَّهُ، وَسُبْحَانَ اللَّهِ، وَاَللَّهُ أَكْبَرُ، وَالْحَمْدُ لِلَّهِ، وَلَا حَوْلَ وَلَا قُوَّةَ إلَّا بِاَللَّهِ".
[صحيح بشواهده] - [رواه ابن حبان والحاكم، أما النسائي فرواه في الكبرى لكن من حديث أبي هريرة]
المزيــد ...

Ang mga matitirang matuwid ay Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allah), Subḥāna –llāh (Napakamaluwalhati ni Allah), Al-ḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allah), at Lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah)
[Tumpak sa pamamagitan ng mga patotoo nito] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n - Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy]

Ang pagpapaliwanag

Sa ḥadīth na ito ay may patunay sa kalamangan ng sinasambit na ito ayon sa anyong ito dahil sa taglay nito na mga kahulugan ng pagluluwalhati, pagbabanal, at pagdakila kay Allah, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan, at dahil sa taglay nito na pagpupuri kay Allah sa mga gawa Niya. Kaya walang kapangyarihan para sa tao ni pagkilos ni kakayahan malibang ayon sa kalooban ni Allah, pagkataas-taas Niya. Kaya walang kapangyarihan sa pagtulak sa kasamaan ni lakas sa pagtamo ng kabutihan malibang sa pamamagitan ni Allah, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Tamil
Paglalahad ng mga salin