عن جابر رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «أفضل الذِّكر: لا إله إلا الله».
[حسن] - [رواه الترمذي والنسائي في الكبرى وابن ماجه]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allah] ay Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allah)."
[Maganda] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy]
Ipinabatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na ang pinakamainam na dhikr ay Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allah). Sa ibang hadith: "Ang pinakamainam sa sinabi ko at ng mga propetang nauna sa akin ay Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lahu (Walang Diyos kundi si Allah -- tanging Siya: wala Siyang katambal)." Walang duda na ang pangungusap na ito ay dakilang pangungusap. Umiral sa pamamagitan nito ang lupa at ang mga langit. Nilikha alang-alang dito ang lahat ng mga nilikha. Dahil dito isinugo ni Allah, pagkataas-taas Niya, ang mga sugo Niya, ibinaba Niya ang mga aklat Niya, at isinibatas Niya ang mga batas Niya. Alang-alang dito itatayo ang mga timbangan [ng gawa], ilalahad ang mga talaan [ng gawa], at lumitaw ang daan ng Paraiso at Impiyerno. Ang kahulugan nito ay walang sinasambang karapat-dapat kundi si Allah. Ang mga kundsiyon niyo ay pito: ang kaalaman, ang katiyakan, ang pagtanggap, ang pagpapaakay, ang katapatan, ang kawagasan, at ang pag-ibig. Tungkol dito tatanungin ang mga una at ang mga huli. Hindi maglalaho ang mga paa ng tao sa harapan ni Allah hanggang sa tanungin siya ng dalawang katanungan: Ano ang sinasamba ninyo noon at ano ang isinagot ninyo sa mga isinugo? Ang sagot sa una ay sa pamamagitan ng pagsasakatuparan sa lā ilāha illa -llāhu sa pagkakaalam, pagkilala, at gawa. Ang sa ikalawa ay sa pamamagitan ng pagsasakatuparan sa anna muḥammadar rasūlu -llāh sa pagkakaalam, pagkilala, pagpapaakay, at pagtalima. Nagsabi siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Itinayo ang Islam sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allah at na si Muhammad ay Sugo ni Allah,..."