+ -

عن سَمُرَة بن جندبٍ رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«أَحَبُّ الْكَلَامِ إِلَى اللهِ أَرْبَعٌ: سُبْحَانَ اللهِ، وَالْحَمْدُ لِلهِ، وَلَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، وَاللهُ أَكْبَرُ، لَا يَضُرُّكَ بِأَيِّهِنَّ بَدَأْتَ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2137]
المزيــد ...

Ayon kay Samurah bin Jundub (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh ay apat: Subḥāna -­llāh (Kaluwalhatian kay Allāh), Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), Lā ilāha illa ­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Hindi makapipinsala sa iyo kung sa alin man sa mga ito nagsimula ka."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2137]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh (napakataas Siya) ay apat:
Subḥāna -­llāh (Kaluwalhatian kay Allāh). Nangangahulugan ito ng pagpapawalang-kinalaman kay Allāh (napakataas Siya) sa bawat kakulangan.
Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh). Ito ay paglalarawan kay Allāh ng kalubusang ganap kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya.
Lā ilāha illa ­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh). Ibig sabihin: Walang sinasambang totoo kundi si Allāh.
Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Ibig sabihin: pinakakapita-pitagan, pinakasukdulan, at pinakamakapangyarihan kaysa sa bawat bagay.
Ang kainaman ng mga ito at ang pagtamo sa gantimpala sa mga ito ay hindi humihiling ng pagkasunud-sunod ng mga ito sa sandali ng pagbigkas sa mga ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kagaanan ng Batas ng Islām yayamang hindi nakapipinsala kung sa alin man sa mga pangungusap na ito nagsimula ka.