+ -

عَنْ عَائِشَةَ رضي الله عنها قَالَتْ:
فَقَدْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ لَيْلَةً مِنَ الْفِرَاشِ فَالْتَمَسْتُهُ فَوَقَعَتْ يَدِي عَلَى بَطْنِ قَدَمَيْهِ وَهُوَ فِي الْمَسْجِدِ وَهُمَا مَنْصُوبَتَانِ، وَهُوَ يَقُولُ: «اللهُمَّ أَعُوذُ بِرِضَاكَ مِنْ سَخَطِكَ، وَبِمُعَافَاتِكَ مِنْ عُقُوبَتِكَ، وَأَعُوذُ بِكَ مِنْكَ لَا أُحْصِي ثَنَاءً عَلَيْكَ أَنْتَ كَمَا أَثْنَيْتَ عَلَى نَفْسِكَ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 486]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nawalay ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang gabi mula sa higaan. Kinapa ko siya saka bumagsak ang kamay ko sa talampakan ng mga paa niya habang siya ay nasa masjid habang ang dalawang ito ay nakatukod habang siya ay nagsasabi: "Allāhumma, innī a`ūdhu bi-riḍāka min sakhaṭika, wa-bimu`āfātika min `uqūbatika, wa-a`ūdhu bika minka; lā uhṣī thanā’an `alayka, anta kamā athnayta `alā nafsika. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa pagkalugod Mo laban sa pagkayamot Mo at sa pagpapaumanhin Mo laban sa pagpaparusa Mo at nagpapakupkop sa Iyo laban sa Iyo. Hindi ako nakabibilang ng pagbubunyi sa Iyo. Ikaw ay kung paanong nagbunyi Ka sa sarili Mo.)"}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 486]

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi si `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Ako minsan ay natutulog sa tabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nawalay ako sa kanya isang gabi. Kinapa ko ng kamay ko ang puwesto na dinadasalan niya sa silid ngunit siya pala ay nakapatirapa at ang mga paa niya ay nakatukod at biglaang siya ay nagsasabi:
{nagpapakupkop [ako]} at nagsusumamo {sa pagkalugod Mo laban sa pagkayamot Mo} sa akin o sa Kalipunan ko. Humihiling ako ng pagkupkop {sa pagpapaumanhin Mo) at paumanhin Mong marami {laban sa pagpaparusa Mo}. {at nagpapakupkop [ako] sa Iyo laban sa Iyo} at sa mga katangian ng karikitan Mo laban sa mga katangian ng kapitaganan sa Iyo yayamang walang nagkukupkop laban sa Iyon kundi Ikaw. Walang maliligtasan at walang madudulugan laban kay Allāh kundi sa Kanya! {Hindi ako makabibilang ng pagbubunyi sa Iyo}: hindi ako makakakaya at hindi ako makaaabot sa takda at sa bilang dahil sa kawalang-kakayahan ko sa pagbilang sa biyaya Mo at paggawa Mo ng maganda, kung paanong nagiging karapat-dapat Ka kahit pa man nagsumikap ako roon. {Ikaw ay kung paanong nagbunyi Ka sa sarili Mo} sapagkat Ikaw ang nagbunyi sa sarili mo nang pagbubunying naaangkop sa Iyo, kaya sino ang makakakaya sa pagganap ng totoong pagbubunyi sa Iyo?

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية النيبالية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng mga panalanging ito sa pagkakapatirapa.
  2. Nagsabi si Mīrak: Sa isa sa mga salaysay ni Imām An-Nasā'īy: Nagsasabi siya noon ng panalanging ito kapag nakatapos siya ng ṣalāh niya at umukupa siya ng higaan niya.
  3. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbubunyi kay Allāh sa pamamagitan ng mga katangian Niya at pagdalangin sa Kanya sa pamamagitan ng mga pangalan Niyang napagtibay sa Qur'ān at Sunnah.
  4. Dito ay may pagdakila sa Tagalikha sa pagkakayukod at pagkakapatirapa.
  5. Ang paghiling ng paghiling ng pagkupkop sa pamamagitan ng mga katangian ni Allāh kung paanong pinapayagan ang paghiling ng pagkupkop sa pamamagitan ng sarili Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).
  6. Nagsabi si Al-Khaṭṭābīy: Sa pananalitang ito ay may isang mahiwagang kahulugan: na siya ay humiling ng pagkupkop ni Allāh na magkalinga sa kanya sa pamamagitan ng pagkalugod Nito laban sa pagkayamot Nito at sa pamamagitan ng pagpapaumanhin Nito laban sa pagpaparusa Nito. Ang pagkalugod at ang pagkayamot ay magkasalungat na magkatapatan at gayon din ang pagpapaumanhin at ang pagpapanagot sa pamamagitan ng kaparusahan. Ngunit noong dumating sa pagbanggit ng walang kasalungat, na siyang si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), humiling siya ng pagkupkop ni Allāh laban kay Allāh hindi sa iba. Ang kahulugan niyon: ang paghingi ng tawad laban sa pagkukulang sa pag-abot sa kinakailangan mula sa tungkulin ng pagsamba kay Allāh at pagbubunyi sa Kanya. Ang sabi niya na: "Hindi ako makabibilang ng pagbubunyi sa Iyo" ay nangangahulugang: Hindi ako makakakaya niyon at hindi ako makaaabot doon.
Ang karagdagan