عن ثَوْبَانَ رضي الله عنه قال:
كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا انْصَرَفَ مِنْ صَلَاتِهِ اسْتَغْفَرَ ثَلَاثًا، وَقَالَ: «اللَّهُمَّ أَنْتَ السَّلَامُ، وَمِنْكَ السَّلَامُ، تَبَارَكْتَ ذَا الْجَلَالِ وَالْإِكْرَامِ»، قَالَ الْوَلِيدُ: فَقُلْتُ لِلْأَوْزَاعِيِّ: كَيْفَ الْاسْتِغْفَارُ؟ قَالَ: تَقُولُ: أَسْتَغْفِرُ اللهَ، أَسْتَغْفِرُ اللهَ.
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 591]
المزيــد ...
Ayon kay Thawbān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṣalāh niya, ay humihingi ng tawad nang tatlong ulit (istighfār) at nagsasabi ng: "Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām. Tabārakta yā dha –ljalāli wa-l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)" Nagsabi si Al-Walīd: "Kaya nagsabi ako kay Al-Awzā`īy: Papaano ang paghingi ng tawad?" Nagsabi ito: "Magsasabi ka ng: Astaghfiru –llah, astaghfiru –llah. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh.)"}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 591]
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi kapag nagwakas siya sa pagsasagawa ng ṣalāh niya: "Astaghfiru –llah, astaghfiru –llah, astaghfiru –llah. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh.)"
Pagkatapos dumadakila siya sa Panginoon niya sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām. Tabārakta yā dha –ljalāli wa-l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)" Si Allāh ay ang Sakdal, ang Lubos sa mga katangian Niya, ang pinawalang-kinalaman sa bawat kapintasan at kakulangan. Hinihiling mo mula sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) ang kaligtasan mula sa mga kasamaan sa Mundo at Kabilang-buhay, hindi mula sa iba pa sa Kanya. Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay nagsidamihan nga sa kabutihan Niya sa Mundo at Kabilang-buhay. Siya ay ang Tagapagtaglay ng kadakilaan at paggawa ng maganda.