+ -

عَنْ وَائِل بن حُجرٍ رضي الله عنه قَالَ:
صَلَّيْتُ مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَكَانَ يُسَلِّمُ عَنْ يَمِينِهِ: «السَّلَامُ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَةُ اللَّهِ وَبَرَكَاتُهُ»، وَعَنْ شِمَالِهِ: «السَّلَامُ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَةُ اللَّهِ».

[حسن] - [رواه أبو داود] - [سنن أبي داود: 997]
المزيــد ...

Ayon kay Wā'il bin Ḥujr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi.
{Nagdasal ako kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka siya ay bumabati sa dakong kanan niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh (Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa Niya, at ang mga pagpapala Niya)" at sa dakong kaliwa niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya)."}

[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud] - [سنن أبي داود - 997]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siya na magtapos sa pagsasagawa ng ṣalāh niya, ay bumabati sa dakong kanan niya at kaliwa niya sa pamamagitan ng paglingon ng mukha niya sa bandang kanan kasama ng pagsasabi niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh (Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa Niya, at ang mga pagpapala Niya)" at bumabati sa dakong kaliwa niya sa pamamagitan ng paglingon ng mukha niya sa bandang kaliwa kasama ng pagsasabi niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya)."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية النيبالية الدرية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkaisinasabatas ng dalawang pagbati ng ṣalāh at na ito ay bahagi ng mga haligi ng ṣalāh.
  2. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsasagawa ng karagdagang pagsasabi ng: "wa-barakātuh (at ang mga pagpapala Niya)" sa ilan sa mga pagkakataon dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi naging nagpapamalagi nito.
  3. Ang pagbigkas ng dalawang pagbati sa ṣalāh ay isang kinakailangang haligi. Hinggil naman sa paggawa ng paglingon sa sandali ng pagbigkas ng mga ito, isinakaibig-ibig ito.
  4. Nararapat na ang pagsabi ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi(Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya)" ay sa sandali ng paglingon, hindi bago nito at hindi matapos nito.
Ang karagdagan