Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Siya ay nagsasabi sa bawat huli ng pagdarasal sa pagsasagawa niya ng salam,[ la ilaha illa Allah wahdah] wala ng ibang Diyos na dapat sambahin maliban kay Allah na nag-iisa Siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa ng: O Allah! patawarin Mo ako,habagin Mo ako,pangalagaan Mo ako,patnubayan Mo ako,at biyayaan Mo ako
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag natapos siya sa pagdarasal niya;Humihingi siya ng Kapatawaran ng tatlong beses at sinasabi niyang: (( O Allah Ikaw ang Tagapangalaga,at mula sa Iyo ang Pangangalaga,Pagpalain ka O Nagmamay-ari ng Kadakilaan at Kaluwalhatian))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nanalangin:((O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo sa mga kaparusahan ng libingan,at mga kaparuhan ng Impiyerno,at mula sa mga pagsubok at pagdurusa ng buhay at [pagdurusa] sa kamatayan, at mula sa mga pagsubok ng Al-Masēh Ad-dajāl [Bulaang-kristo]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
O Sugo ni Allah,Sa Ama ko,Ikaw At sa Ina ko,Nakikita ko ang pagtahimik mo sa pagitan ng pagbibigkas ng Takbir [Allahu Akbar] at pagbabasa: Ano ang sinasabi mo?Nagsabi siya: Sinasabi kong:O Allah,ilayo Mo ako mula sa aking pagkakasala kahilintulad ng paglayo Mo sa pagitan ng Silangan at Kanluran.O Allah! Dalisayin ako mula sa aking pagkakasala,kahalintulad ng pagdalisay mula sa isang maputing tela mula sa dumi,O Allah! Linisin ang aking mga pagkakasala ng nyebe tubig,at yelo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
O Muadh,Sumpa sa Allah;Katotohanan ikaw ay iniibig ko,Pagkatapos ay nagtatagubilin ako sa iyo O Muadh,Huwag mong iwan sa bawat pagtatapos ng pagdarasal na sabihin mong: O Allah,Tulungan ako sa Pag-aalaala sa Iyo,at sa Pagpapasalamat sa Iyo,at sa Mabuting Pagsamba sa Iyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ayon kay `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Nawala sa akin ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- isang gabi,naghanap ako,kung-kaya`t siya pala ay naka-yuko-o nakapatirapa-na nagsasabi;((Napaka-maluwalhati Mo at ang lahat ng Papuri ay sa Iyo,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Iyo)) at sa isang salaysay: Napunta ang kamay ko sa palad ng paa niya,habang siya nagpapatirapa,at ang dalawang ito ay nakatindig,at siya ay nagsasabi: (( O Allah,ako ay nagpapakopkop sa kaluguran mo,mula sa pagka-poot Mo, at sa Kapatawaran Mo,mula sa kaparusahan Mo,at nagpapakupkop ako sa Iyo, mula sa Iyo,Hindi ko nasusukat ang ( nararapat na) Pagpuri sa Iyo,bilang Ikaw tulad ng (nararapat) na pagpuri Mo sa sarili Mo.))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinaparami niya ang sinasabi sa pagyuko at pagpapatirapa niya ng:"Kaluwalhatian sa Iyo o Allah! Aming Panginoon at sa Iyo ang Papuri, O Allah! Patawarin Mo Ako
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na itinuro sa amin ni Allah kung paano kami magbigay ng pagbati sa iyo;gunit paano kami magbibigay ng Pagpaparangal sa iyo?Ang sabi niya: Sabihin ninyo: "O Allah! Ipagkaloob Mo ang Iyong Pagpaparangal kay Muhammad,at sa mga Angkan ni Muhammad,tulad ng pagkakaloob Mo ng Pagpaparangal kay Ebrahim,Katunayan sa Iyo ang lahat ng Kapurihan at Kaluwalhatian,At Pagpalain Mo si Muhammad at sa mga Angkan ni Muhammad;tulad ng Pagpapala Mo kay Ebrahim,Katunayan sa Iyo ang lahat ng Kapurihan at Kaluwalhatian.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Mga Pag-papaluwalhati na hindi Nagsisisi at Nabibigo ang taga-pagsalita nito O Nagsagawa nito sa likod nang bawat dasal na naitalaga.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Siya ay nagsabi:Ang Sugo ni Allah-pagpaalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay Nagbigkas ng Takbir [Allahu Akbar] sa pagdarasal,tumatahimik siya ng panandalian,bago siya magbasa,Nagsabi ako: O Sugo ni Allah,Sa Ama ko,Ikaw At sa Ina ko,Nakikita mo ang pagtahimik mo sa pagitan ng pagbibigkas ng Takbir [Allahu Akbar] at pagbabasa: Ano ang sinasabi mo?Nagsabi siya: Sinasabi kong:O Allah,ilayo Mo ako mula sa aking pagkakasala kahilintulad ng paglayo Mo sa pagitan ng Silangan at Kanluran.O Allah! Dalisayin ako mula sa aking pagkakasala,kahalintulad ng pagdalisay mula sa isang maputing tela mula sa dumi,O Allah! Linisin ang aking mga pagkakasala ng nyebe tubig,at yelo.Sahih ni Imam Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
At ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: Sinuman ang Magluwalhati kay Allah sa bawat pagtatapos ng pagdarasal nang tatlumpot-tatlo,at Magpuri kay Allah nang tatlumpot-tatlo,at Magdakila kay Allah nang tatlumpot-tatlo,at ito ay siyamnaput-siyam,at nagsabi sa pagganap na Isang-daan ng :Walang Diyos kundi si Allah,Nag-iisa Siya;Walang katambal sa Kanya,Sa Kanya ang Pamamahala,At sa Kanya ang Papuri,At Siya sa bawat bagay ay Nakakakaya,Patatawarin sa kanya ang mga kasalanan niya,kahit ito ay tulad ng bula sa karagatan)) Saheh Imam Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
ang sinuman ang bumasa ng Ayat Al-Kursiy, sa likod ng bawat dasal na obligado,walang makakapagpigil sa kanya sa pagpasok sa paraiso liban kapag siya ay namatay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Katotohanan [ang Sinabi nilang dalawa],Tunay na sila ay pinaparusahan ng parusang naririnig ng lahat ng mga hayop
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Propeta noon, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpapadalas na magsabi sa pagyukod niya at pagpapatirapa niya ng: Subḥānaka -llāhumma rabbanā wa biḥamdika, allāhumma -ghfir lī. (Napakamaluwalhati Mo, o Allāh, Panginoon namin at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.) Ginagawa niya ang utos ng Qur'ān.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Napaka-maluwalhati Niya,Napaka-Banal Niya,Panginoon ng mga Anghel at ni Anghel Jibreel
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa mā akhkhartu, wa mā asrartu wa mā a`lantu, wa mā asraftu, wa mā anta a`lamu bihi minnī, anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, lā ilāha illā anta. (O Allāh, patawarin Mo ako sa [kasalanang] naunang nagawa ko at nahuling nagawa ko, [kasalanang] inilihim ko at inihayag ko, at [kasalanang] ipinagmalabis at [kasalanang] Ikaw ay higit na nakaaalam doon kaysa sa akin. Ikaw ay ang nagpapauna at Ikaw ay ang nagpapahuli; walang Diyos kundi Ikaw.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Bumangon ako kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para magdasal isang gabi. Tumindig siya at binigkas ang Kabanata Al-Baqarah. Wala siyang nadaraanang isang talata ng awa malibang tumitigil siya at humihiling. Wala siyang nadaraanang isang talata ng parusa malibang tumitigil siya at nagpapakupkop.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Allāhumma rabba jibra'īla wa mīkā'īla wa isrāfīl, fāṭira -ssamāwāti wa -l'arḍ, `ālima -lghaybi wa -shshahādah, anta taḥkumu bayna `ibādika fīmā kānū fīhi yakhtalifūn, ihdinī lima -khtulifa fīhi mina -lḥaqqi bi'idhnika innaka tahdī man tashā'u ilā ṣirāṭim mustaqīm. (O Allāh, Panginoon nina Jibrā'īl, Mīkā'īl at Isrāfīl, Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Nakaaalam sa Nakalingid at Nasasaksihan, Ikaw ay hahatol sa mga lingkod Mo hinggil sa anumang pinagtatalunan nila noon. Patnubayan Mo ako sa pinagtatalunan na katotohanan, ayon sa kapahintulutan Mo; tunay na Ikaw ay nagpapatnubay sa sinumang loloobin mo tungo sa isang matuwid na landasin.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
At ayon kay Ali bin Abe Talib,buhat sa Sugo ni Allah at pangalagaan-,Na kapag siya tumindig sa pagdarasal,Nagsasabi siya: ((Katotohanang aking ibinilang ang aking mukha tungo sa Kanya na Lumikha ng mga kalangitan at kalupaan bilang isang Hanifa ( Mananampalataya sa nag-iisang Diyos) at ako ay hindi kabilang doon sa mga sumasamba sa iba maliban pa kay Allah,Ang akin Dasal,ang aking pagkatay ( sa hayop),ang aking Pamumuhay,ang aking pagkamatay ay para kay Allah lamang, Ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang,Siya ay walang katambal,At sa bagay na ito, ako ay pinag-utusan,At ako ay kabilang sa mga Muslim.O Allah Ikaw ang Tagapamahala,wala ng ibang Diyos maliban sa Iyo,Ikaw ang Panginoon ko at ako ay alipin Mo,Pinariwara ko ang aking sarili,at tinalima ko ang pagkakasala ko,Patawarin Mo sa akin ang lahat ng aking kasalanan,Katotohanang walang nagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Iyo,Patnubayan ako sa pinaka-mainam na kaasalan,Walang namamatnubay sa pinaka-mainam nito maliban sa Iyo,Ilihis Mo ako sa pinaka-masama nito,Walang makakapag-lihis sa akin sa pinaka-masama nito maliban sa Iyo,Tutugon ako at Nasisiyahan ako,At ang lahat ng Kabutihan ay sa mga Kamay Mo,At ang kasamaan ay hindi nagmumula sa Iyo,Ako ay sa Iyo at babalik sa Iyo,Pinagpala Ka at Napakataas Mo,Humuhingi ako sa Iyo ng kapatawaran at nagbabalik-loob sa Iyo)),At kapag siya ay yumuko,nagsasabi siyang:((O Allah,Sa Iyo ako ay yumuko,at Sa Iyo,ako ay nananampalataya,at Sa Iyo,ako ay sumusuko,Nagpapakumbaba sa Iyo ang pandinig ko at pagtingin ko at pag-iisip ko at mga buto ko,at ugat ko,)) at kapag umangat siya:Nagsasabi siyang: (( O Allah,Panginoon namin,Sa Iyo ang lahat ng Papuri sa lahat ng napapaloob sa kalangitan,at napapaloob sa kalupaan at sa napapaloob sa pagitan ng dalawa,at sa lahat ng bagay na napapaloob sa anumang ibigin Mo pagkatapos nito))At kapag siya ay Nagpatirapa,Nagsasabi siya:(( O Allah,Sa Iyo ako ay nagpatirapa,at Sa Iyo,ako ay nananampalataya,at Sa Iyo,ako ay sumusuko,ipinag-patirapa ko ang mukha sa (Allah) na Tagapag-likha nito,at naglarawan nito,at nagpahiwalay sa pandinig nito at pagtingin nito,Ang Papuri ay kay Allah,Ang pinaka-mahusay sa Tagapag-likha)) Pagkatapos ay sinasabi niya sa pinaka-huli sa pagitan ng Tashahhud at Taslem:(( O Allah,Patawarin Mo sa akin ang lahat ng una ko (kasalanan) at huli ko(kasalanan) ,at ang lingid ko(kasalanan) at hayag ko(kasalanan),at ang nalabag ko,at ang anumang bagay na Tanging-Ikaw lang ang nakaka-alam nito sa akin,Ikaw ang Una at Ikaw ang Huli,Wala ng ibang Diyos maliban sa Iyo)) Saheh Imam Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagdadasal ng hatinggabi,binabanggit niya ang Allahu Akbar [Ang Allah ay dakila], pagkatapos ay sinasabi niyang: (( Sa Iyo ang kaluwalhatian,o Allah! at pagpupuri, at ipinagpala ang Iyong pangalan,kataas-taasan sa Iyong karangalan,at walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ngunit ito,Tunay na napuno niya ang mga kamay nito nga mga kabutihan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagyuko niya,[at gayundin] kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,at ang pagpapatirapa niya, At sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya ay malapit sa pagkakapareho
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Sugo ni Allah pagpalai siya ni Allah at pangaagaan ay nagtuturo sa amin ng Tashahhud tulad ng pagtuturo niya sa ami ng kabanata ng Qur-an
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses