+ -

عن عبد الرحمن بن أبي ليلى قال: «لقيني كَعْبُ بْنُ عُجْرَةَ فقال: ألا أُهْدِي لك هدية؟ إن النبي صلى الله عليه وسلم خرج علينا، فقلنا: يا رسول الله، قد عَلِمْنا الله كيف نُسَلِّمُ عليك؛ فكَيف نُصَلِّي عليك؟ فقال: قولوا: اللَّهُمَّ صَلِّ على محمد وعلى آل محمد؛ كما صَلَّيْتَ على إبراهيم، إنَّك حميد مجيد، وبَارِكْ على محمد وعلى آل محمد؛ كما باركت على إبراهيم، إنَّك حميد مجيد».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdurrahman bin Abe Layla,Nagsabi siya: ((Nakipagtagpo sa akin si Ka`bin `Ujrah,Nagsabi siya:Gusto magbigay ako sa iyo ng isang regalo?Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay lumabas sa amin,Nagsabi kami:O Sugo ni Allah,Tunay na itinuro sa amin ni Allah kung paano kami magbigay ng pagbati sa iyo;gunit paano kami magbibigay ng Pagpaparangal sa iyo?Ang sabi niya: Sabihin ninyo: "O Allah! Ipagkaloob Mo ang Iyong Pagpaparangal kay Muhammad,at sa mga Angkan ni Muhammad,tulad ng pagkakaloob Mo ng Pagpaparangal kay Ebrahim,Katunayan sa Iyo ang lahat ng Kapurihan at Kaluwalhatian,At Pagpalain Mo si Muhammad at sa mga Angkan ni Muhammad;tulad ng Pagpapala Mo kay Ebrahim,Katunayan sa Iyo ang lahat ng Kapurihan at Kaluwalhatian."))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Dumating ang Hadith na ito bilang pagpapatibay sa kinauukulan ng Marangal na Propeta at sa taas ng antas niya sa Panginoon niya,Sapagkat ng magkatagpo sina `Abdurrahman bin Abe Layla,Isa sa mga pinakamagiting na Tabi`e at ang maalam sa kanila na si Ka`b bin `Ujrah,isa sa mga kasamahan ng Propeta malugod si Allah sa kanya-Ang sabi ni Ka`b: Ayaw mobang bigyan kita ng regalo? at ang pinakamainam na ipinamimigay nilang regalo sa isat-isa ay ang Karunungan,at mga talakayan ng Kaalaman sa Islam,Natuwa si `Abdurrahman sa pinakamahal na regalong ito,Nagsabi siya:Oo,ibigay mo ito sa akin bilang regalo.Ang sabi ni Ka`b: Lumabas sa amin ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi kami: O Sugo ni Allah! Itunuro mo sa amin kung papaano magbigay ng pagbati sa iyo,Ngunit paano kami magbibigay ng Parangal sa iyo? Ang sabi niya:Sabihin ninyo; At binanggit niya sa kanila ang larawan ng pagbibigay parangal na nararapat na kung saan ang kahulugan niya ay;pananalangin kay Allah-Pagkataas-taas Niya,Na magbigay ng Parangal sa kanyang Propeta at sa kanyang mga Pamilya,at sila ay Kamag-anak niya,na mananampalataya,o sumusunod sa kanya sa Relihiyon niya,at ng maging ang Pagpaparangal na ito ay pagpapala sa kanya at pagpaparami sa kanya,Tulad ng Pagpaparangal sa Ama ng mga Propeta na si Propeta Ebrahim at sa Pamilya ni Propeta Ebrahim,at sila ang mga Propeta at mga Mabubuting tao pagkatapos niya,At ang madagdagan pa ang mga kabutihan kay propeta Muhammad at sa pamilya niya,tulad ng Pagpapala na nangyari sa Pamilya ni Propeta Ebrahim,Sapagkat si Allah ay may napakaraming Kabutihan,Nagmamay-ari ng Kapangyarihan,At kabilang sa mga katangiang ito,Siya ay Napakalapit na Mapagbigay,May Napakalawak na Kalooban.Kabilang din sa Napagkaisahan sa Katumpakan,Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay siyang Pinakamainam sa lahat ng likha,At para sa mga nakakaalam sa Mahusay na Pananalita;Na ang Gumagaya ay may higit na maliit ang antas mula sa kanyang ginagaya.Dahil ang layunin sa paghahalintulad ay upang abutin niya ito sa kanyang katangian na nasa dalawang Propeta.Papaano niya hihilingin kay Allah Pagkataas-taas Niya,na Mabigyan ng Parangal si Propeta Muhammad at ang Pamilya niya tulad ng pagpaparangal niya kay Propeta Ebrahim at sa Pamilya niya?At ang pinakamabuti na sasabihin:Na ang Pamilya ni Propeta Ebrahim sumakanya ang Pangangalaga-Silang lahat ay Propeta pagkatapos niya,At kabilang dito si Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa kanilang lahat.Ang Kahulugan nito:Na siya ay mananalangin para kay Propeta at sa Pamilya niya ng Pagpaparangal,tulad ng pagpaparangal para sa lahat ng mga Propeta mula sa kamag-anak ni Propeta Ebrahim sumakanila ang pagpapala at pangangalaga-At ang napag-alaman,na ang lahat ng ito ay higit na mainam mula sa Pagpaparangal kay Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nag-iisa,Si Allah ang higit na Nakakaalam.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin