عَنْ عُبَادَةَ بْنِ الصَّامِتِ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَا صَلَاةَ لِمَنْ لَمْ يَقْرَأْ بِفَاتِحَةِ الكِتَابِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 756]
المزيــد ...
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Walang ṣalāh sa sinumang hindi bumigkas ng Pambungad ng Aklat."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 756]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang ṣalāh ay hindi natutumpak malibang may pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah sapagkat ito ay isang haligi kabilang sa mga haligi ng pagsasagawa ng ṣalāh sa bawat rak`ah.