عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المؤْمنينَ رَضيَ اللهُ عنها قَالَتْ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي مَرَضِهِ الَّذِي لَمْ يَقُمْ مِنْهُ:
«لَعَنَ اللهُ الْيَهُودَ وَالنَّصَارَى، اتَّخَذُوا قُبُورَ أَنْبِيَائِهِمْ مَسَاجِدَ» قَالَتْ: فَلَوْلَا ذَاكَ أُبْرِزَ قَبْرُهُ، غَيْرَ أَنَّهُ خُشِيَ أَنْ يُتَّخَذَ مَسْجِدًا.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 529]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkakasakit niya na hindi siya nakabangon mula roon:
"Isinumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano. Gumawa sila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan."} Nagsabi siya: {Kaya kung hindi dahil diyan, pinausli sana ang libingan niya, gayon pa man, ikinatakot na gawin ito bilang masjid.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 529]
Nagpapabatid si`Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa pagkakasakit niya na tumindi sa kanya at namatay siya dahil dito: "Isinumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano at itinaboy Niya sila mula sa awa niya. Iyon ay dahil sila ay gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan. Iyon ay dahil sa pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga ito at pagdarasal sa tabi ng mga ito o paharap sa mga ito. Pagkatapos nagsabi siya (malugod si Allāh sa kanya): "Kung hindi dahil sa pagsaway at pagbibigay-babala na iyon mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pangamba ng mga Kasamahan na gawan sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng gaya sa ginawa ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga libingan ng mga propeta nila, talaga sanang pinalitaw ang libingan niya at pinausli ito."