عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بنِ مَسْعُودٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَيْسَ مِنَّا مَنْ لَطَمَ الخُدُودَ، وَشَقَّ الجُيُوبَ، وَدَعَا بِدَعْوَى الجَاهِلِيَّةِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1294]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi kabilang sa atin ang sinumang nanampal ng pisngi, namunit ng mga kuwelyo, at nanawagan ng panawagan ng Kamangmangan."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1294]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagbigay-babala laban sa ilan sa mga gawain ng mga kampon ng Kamangmangan sapagkat nagsabi siya:
1. Ang sinumang nanampal ng pisngi at nagtangi siya sa pisngi dahil sa pagiging ito ay ang nananaig doon; at kung hindi, ang paghagupit sa nalalabing bahagi ng mukha ay napaloloob sa pagsaway.
2. Ang sinumang namunit ng binubuksan mula sa damit upang makapasok dito ang ulo, dahil sa tindi ng kawalang-kasiyahan.
3. Ang sinumang nanawagan ng panawagan ng mga kampon ng Kamangmangan gaya ng pagdalangin ng kapighatian at kapahamakan, paghagulgol, pananaghoy, at iba pa sa mga ito.