عن عائشة رضي الله عنها قالت:
سَأَلَ أُنَاسٌ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَنِ الْكُهَّانِ، فَقَالَ لَهُمْ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «لَيْسُوا بِشَيْءٍ» قَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ، فَإِنَّهُمْ يُحَدِّثُونَ أَحْيَانًا بِالشَّيْءِ يَكُونُ حَقًّا، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «تِلْكَ الْكَلِمَةُ مِنَ الْحَقِّ يَخْطَفُهَا الْجِنِّيُّ فَيَقُرُّهَا فِي أُذُنِ وَلِيِّهِ قَرَّ الدَّجَاجَةِ، فَيَخْلِطُونَ فِيهَا أَكْثَرَ مِنْ مِائَةِ كَذْبَةٍ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6213]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May nagtanong na mga tao sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga manghuhula, kaya nagsabi sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Wala sila sa anuman." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ngunit tunay na sila ay nagsasalita paminsan-minsan hinggil sa bagay na nagiging totoo." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pananalitang iyon na mula sa totoo ay inaagaw ng jinn saka ipinuputak-putak nito sa tainga ng katangkilik nito gaya ng pagputak-putak ng manok, saka naghahalo sila rito ng higit sa isandaang kasinungalingan."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6213]
Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga nagpapabatid tungkol sa mga nakalingid sa hinaharap kaya nagsabi siya: "Huwag kayong mamansin sa kanila at huwag kayong kumuha sa pananalita nila. Hindi pumapatungkol sa inyo ang nauukol sa kanila."
Kaya nagsabi sila: "Tunay na ang sabi nila ay sumasang-ayon sa reyalidad sa ilan sa mga pagkakataon, gaya ng kung sakaling nagpabatid sila tungkol sa pagkaganap ng isang pangyayaring pangnakalingid sa ganitong buwan sa ganitong araw, tunay na ito ay nagaganap alinsunod sa sabi nila."
Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga jinn ay nangangagaw ng naririnig nila mula sa pabatid ng langit, saka nagbababaan sila sa mga katangkilik nila mula sa mga manghuhula saka nagpapabatid sila sa mga ito ng narinig nila. Pagkatapos nagdaragdag ang manghuhula sa narinig niya na ito mula langit ng isandaang kasinungalingan.