عن جابر رضي الله عنه مرفوعًا: «غَطُّوا الإِناء، وأَوْكِئُوا السِّقَاءَ، وأَغْلِقُوا الأبوابَ، وأَطْفِئُوا السِّرَاجَ؛ فإن الشيطان لا يَحُلُّ سِقَاءً، ولا يَفْتَحُ بَابًا، ولا يَكْشِفُ إِناءً، فإن لم يجد أحدكم إلا أن يَعْرُضَ على إِنَائِهِ عُودًا، ويذكر اسم الله، فَلْيَفْعَلْ؛ فإن الفُوَيْسِقَةَ تُضْرِمُ على أهل البيت بَيْتَهُم».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:((Takpan ninyo ang mga lalagyan,at itali ninyo ang mga lalagyan ng tubig,isara ninyo ang mga pintuan,at patayin ninyo ang mga ilaw,Dahil hindi makakalagan ni Satanas ang mga [nakataling] lalagyan ng mga tubig,at hindi niya mabubuksan ang mga pintuan,at hindi niya matatanggal ang mga [takip] ng lalagyan.At kapag walang nahanap ang isa sa inyo maliban sa kahoy ,na ilalagay niya ng pahaba sa lalagyan niya,at banggitin niya ang Pangalan ni Allah,ay gawin niya.Dahil ang mga daga ay sinusunog nila ang mga taong naninirahan sa bahay at ang tahanan nila)).
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagtatakip sa mga lalagyan bilang proteksiyon rito mula sa mga insekto,at sa iba pang nakakapinsala kapag ito ay nahulog rito,mula sa mga peste.At ang takpan ang mga lalagyang tubig,at isara ang mga pintuan,para sa ikabubuti ng Relihiyon at makamundong-bagay,at pangangalaga sa buhay at kayamanan,laban sa mga masasamang tao at maninira,At itinuro niya ang pagpatay sa ilaw,dahil sa pamamagitan nito ay napapangalagaan ang tahanan at sa mga naninirahan dito,dahil sa pangamba niya sa kanila mula sa pinsala ng sunog,At ang Hadith ay ginagampanan sa oras ng pagtulog sa gabi,At sinabi niya na si Satanas ay hindi niya nabubuksan ang mga lalagyang tubig na natakpan,at ang mga pintuan,gayunding hindi niya nabubuksan ang mga lalagyang nakasarado.At kapag hindi natakpan ang mga lalagyan,mag-isip siya ng ibang paraan,[na maaari niyang gawing pang-takip],na hindi makikita ang nilalaman nito o ang iba rito,at huwag niya itong hayaang nakabukas,subalit lagyan niya ito ng kahoy na pahaba,at banggitin niya ang Pangalan ni Allah-Pagkataas-taas Niya-sa pagtakip ng mga lalagyan,at pagtali ng mga lalagyang tubig,at pagsara sa mga pintuan,At nabanggit rin na ang mga ilaw at ang ipa pang bagay na umiilaw,kapag sila ay iniwan sa kanilang kalagayan at hindi napatay bago matulog ,Ang kadalasan sa mga daga ay pinaglalaruan ito,at maaaring ito ay maging dahilan ng pagkasunog ng mga taong nananahanan sa baahay sa oras ng pagtulog nila