+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«أَسْوَأُ النَّاسِ سَرَقَةً الَّذِي يَسْرِقُ صَلَاتَهُ» قَالَ: وَكَيْفَ يَسْرِقُ صَلَاتَهُ؟ قال: «لَا يُتِمُّ رُكُوعَهَا، وَلَا سُجُودَهَا».

[صحيح] - [رواه ابن حبان] - [صحيح ابن حبان: 1888]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang pinakamasagwa sa mga tao sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw ng ṣalāh niya." Nagsabi ito: "Papaano po siyang magnanakaw ng ṣalāh niya?" Nagsabi siya: "Hindi siya nagpapalubos ng pagyukod dito ni ng pagpapatirapa rito."}

[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n] - [صحيح ابن حبان - 1888]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamatindi sa mga tao sa kapangitan sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw mula sa ṣalāh niya. Iyon ay dahil ang pagkuha ng ari-arian ng iba ay baka mapakikinabangan sa Mundo, na kasalungatan ng magnanakaw na ito sapagkat tunay na siya ay nagnakaw ng karapatan ng sarili niya mula sa gantimpala at pabuya ni Allāh. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at papaano po siyang magnanakaw mula sa ṣalāh niya?" Nagsabi siya: "Hindi siya nagpapalubos ng pagyukod dito ni ng pagpapatirapa rito." Iyon ay dahil sa nagmadali siya sa pagyukod at pagpapatirapa, kaya hindi siya nakapagsasagawa ng dalawang ito sa pinakalubos na paraan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kahalagahan ng pagpapahusay sa pagsasagawa ng ṣalāh at pagsasagawa ng mga haligi nito nang may kapanatagan at kataimtiman.
  2. Ang paglalarawan sa sinumang hindi nagpapalubos sa pagyukod niya at pagpapatirapa niya na siya ay isang magnanakaw ay isang pagpapalayo ng loob doon at isang pagtawag-pansin sa pagbabawal niyon.
  3. Ang pagkakinakailangan ng pagpapalubos ng pagyukod at pagpapatirapa sa pagsasagawa ng ṣalāh at ang pagpapakatuwid sa dalawang ito.
Ang karagdagan