عَنِ ابْنِ أَبِي أَوْفَى رضي الله عنه قَالَ:
كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا رَفَعَ ظَهْرَهُ مِنَ الرُّكُوعِ قَالَ: «سَمِعَ اللهُ لِمَنْ حَمِدَهُ، اللَّهُمَّ رَبَّنَا لَكَ الْحَمْدُ، مِلْءَ السَّمَاوَاتِ وَمِلْءَ الْأَرْضِ وَمِلْءَ مَا شِئْتَ مِنْ شَيْءٍ بَعْدُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 476]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni Abū Awfā (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
Ang Sugo ni Allāh noon, kapag nag-angat siya ng likod niya mula sa pagkakayukod, ay nagsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah. Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd, mil'a –ssamāwāti wa-mil'a –l'arḍi wa-mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya. O Allāh, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri na kasimpuno ng mga langit, kasimpuno ng lupa, at kasimpuno ng niloob Mo na bagay matapos niyon.)"
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 476]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nag-angat siya ng likod niya mula sa pagkakayukod sa ṣalāh, ay nagsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya.)" Ibig sabihin: "Na ang sinumang nagpuri kay Allāh (napakataas Siya), tutugon si Allāh (napakataas Siya) sa kanya, tatanggap ng papuri niya, at maggagantimpala sa kanya." Pagkatapos nagpupuri siya kay Allāh sa pamamagitan ng pagsabi niya ng: "Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd, mil'a –ssamāwāti wa-mil'a –l'arḍi wa-mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (O Allāh, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri na kasimpuno ng mga langit, kasimpuno ng lupa, at kasimpuno ng niloob Mo na bagay matapos niyon.), bilang papuri na pumupuno sa mga langit at mga lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito at pumupuno sa anumang niloob ni Allāh na bagay.