+ -

عن عوف بن مالك الأشجعي رضي الله عنه قال: قمتُ مع رسول الله صلى الله عليه وسلم ليلةً، فقام فقرأ سورةَ البقرة، لا يَمُرُّ بآية رحمةٍ إلا وقفَ فسأل، ولا يَمُرُّ بآية عذابٍ إلَّا وقف فتعوَّذ، قال: ثم ركع بقَدْر قيامِه، يقول في ركوعه: «سُبحانَ ذي الجَبَروتِ والملَكوتِ والكِبرياءِ والعَظَمةِ»، ثم سجد بقَدْر قيامه، ثم قال في سجوده مثلَ ذلك، ثم قام فقرأ بآل عمران، ثم قرأ سورةً سورةً.
[صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay `Awf bin Mālik Al-Ashja`īy, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Bumangon ako kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para magdasal isang gabi. Tumindig siya at binigkas ang Kabanata Al-Baqarah. Wala siyang nadaraanang isang talata ng awa malibang tumitigil siya at humihiling. Wala siyang nadaraanang isang talata ng parusa malibang tumitigil siya at nagpapakupkop." Sinabi: "Pagkatapos ay yumukod siya nang singtagal ng pagkakatayo niya. Nagsasabi siya sa pagkakayukod niya: Subḥāna dhi -ljabarūti, wa -lmalakūti, wa -lkibriyā'i, wa -l`adhamah (Napakamaluwalhati ng may kapangyarihan, paghahari, dangal, at kadakilaan). Pagkatapos ay nagpatirapa siya nang singtagal ng pagkakatayo niya. Pagkatapos ay nagsasabi siya sa pagkakapatirapa niya ng tulad niyon. Pagkatapos ay tumindig siya at binigkas ang Kabanata Āl `Imrān. Pagkatapos ay bumigkas siya ng kabanata-kabanata."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid ni `Awf bin Mālik Al-Ashja`īy, malugod si Allah sa kanya, na nagdasal siya kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng tahajjud isang gabi. Tumindig ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at binigkas ang Kabanata Al-Baqarah. Wala siyang nadaraanang isang talatang nababanggit dito ang awa at ang Paraiso malibang hinihiling niya ang awa at ang Paraiso ni Allah. Wala siyang nadaraanang isang talatang nababanggit dito ang parusa malibang nagpapakupkop siya kay Allah laban sa parusa. Pagkatapos ay yumukod siya nang matagal na singtagal ng pagkakatayo niya. Nagsasabi siya sa pagkakayukod niya: "Subḥāna dhi -ljabarūti, wa -lmalakūti, wa -lkibriyā'i, wa -l`ađamah (Napakamaluwalhati ng may kapangyarihan, paghahari, dangal, at kadakilaan)." Nangangahulugan ito: Ipinahahayag ko ang kasakdalan ni Allah, ang may-ari ng panggagapi at pananaig, ang may-ari ng paghahari nang hayagan at patago, ang may-ari ng karangalan, at ang may-ari ng kadakilaan. Pagkatapos ay nagpatirapa siya nang singtagal ng pagkakatayo niya. Pagkatapos ay nagsasabi siya sa pagkakapatirapa niya ng tulad ng sinabi niya sa pagkakayukod niya. Pagkatapos ay tumindig siya at binigkas ang Kabanata Āl `Imrān. Pagkatapos ay bumigkas siya ng kabanata-kabanata.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan